Dedicated to: user83514485 & CharieCala
Dale POV:
"Are you sure? Dito magkikita yung dalawa?" Paniniguro nya na tanung sa napili nyang mag-espiya sa kanyang ama at kay Savin.
Hindi naman sana sya pupunta kung hindi lang dahil sa sinabi nito. Kagagaling lang niya kahapon sa date nila ng kanyang kasintahan at agad na nabasa nya ang message nito sa kanyang cellphone kaya agad syang naoccupied ng ganitong bagay.
Hindi naman nya pwedeng sabihin sa kanyang nobya at baka simulan pa ng kanilang pag-aaway dahil sa kawalan nya ng tiwala sa napili nitong bodyguard.
"Yes Sir. Lets wait a little longer" tanging nasabi lang nito na ikinatango nya at nagsimula syang mag-type sa kanyang cellphone.
Gusto muna nyang maging handa kung makita nga nya ng harapan ang pagkikita nito at ng kanyang ama.
Ilang minuto lang ang lumipas at may nakita na sya sa bintana na humintong sasakyan. Nakilala nya agad ito dahil ito lang naman ang gamit ng ama nya kapag makikipagkita sa kanya.
Ilang minuto rin ang lumipas at may dumating na nakamotor at all black ang suot nito. Halata ring hindi pinapakita ang mukha dahil pagkatanggal ng helmet nito ay may nakasuot dito na face mask at nagsuot din ng sumbrero.
Napalingon sa kanyang banda ang lalake kaya bago pa man ito makatingin sa kanya ay nagbukas sya ng newspaper na halos itakip na sa mukha nya.
"Sir. Huwag po kayong obvious. Mahahalata po tayo niyan." Pabulong na saad ng kanyang kaharap.
"Paano natin malalaman ang pinaguusapan nila?" Napangisi ito at tumayo.
Nakita nya pang bumangga ito sa naglalakad na lalakeng naka-mask at agad na humingi ito ng depensa. Napansin din nyang dumerecho ang kasama nya sa restroom.
Nakita nyang nakaupo na ang dalawa sa isang patagong banda ng restaurant. Kaya di nya mabanaagan ang mga mukha nito.
Maya-maya rin ay lumapit na ang kanyang kasama at may binigay sa kanya na wireless earpod. Hindi na sya nagtanung at agad nyang nilagay sa kanyang tenga. Maya maya rin ay narinig na nyang nagsalita ang kanyang ama.
"What do you want to eat?" Napakunot sya ng noo ng para itong nakikipagusap sa kanya nung maayos pa ang kanilang relasyon bilang mag-ama. Mas inayos nya ang earphone sa kanyang tenga para mas marinig nyang maigi ang usapan.
"Kahit anu... hindi naman ako mapili katulad ng isa nyong anak." Naiinis sya sa boses ng lalakeng kumakausap sa kanyang ama. Kung makapagsalita anak din sya nito.
"Anak? Anu bang dapat kong gawin para lang mapatawad mo na ako at matanggap mo na ako ang iyong ama?" Mas natinag sya sa narinig. 'Si Savin? Kapatid nya? Paano? Ni hindi nga nya makita na mukha nya ito. Baka ampon sya? No way!!!'. Inis nyang saad sa sarili.
Napatitig din sya sa kanyang kaharap na mukhang alam na rin ang tinatago ng baho ng kanilang pamilya at maging sya ay nagulat din sa nalamang sekreto.
"Can you please don't call me as if naging mabuti kang ama sa akin at asawa saking ina? I just want to tell you something kaya ginusto ko rin makipagkita sayo." Naging seryoso ang pananalita nito.
Hindi nagsalita ang kanyang ama ni hindi rin nya ma-imagine kung anung reaksyon nito pero dahil na rin sa pagsisimulang magsalita ng lalake na kausap nito ay malamang na tumango ito.
"Totoo ba ang nalaman ko tungkol sa fiancee ni Dale?" Hindi na naman nya narinig ang tugon ng kanyang ama rito.
Hindi na sya mapakali sa kanyang upuan at halos hindi na nya maidikit ang kanyang pang-upo sa kanyang upuan dahil gusto na nyang sugurin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Amazing Girl (On-Going)
Romance"No! I dont want to be a model. What if gawin mo na lang akong driver mo? Or Bodyguard. I can use my power to protect you from danger!" Nagulat sya sa suggestion nito bahagya syang nagkainterest sa mga sinabi nito. Kung magiging driver ko sya lagi k...