Dedicated to: louangeli03 &
jastinesweetDALE POV
Alas Siyete na ng umaga, araw ng Lunes at bumangon na si Dale mula sa kanyang higaan. Isang linggo na rin ang lumipas ng manggaling sila ni Keira sa mansyon ng kanyang ama ng malaman nga nya ang ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina. Damang dama pa rin nya ang galit dito hanggang ngayon.
Mabuti na lamang at pinakalma sya ni Keira at napigilan sya nito na mapatay ang kanyang ama ng gamitin nito ang power na taglay nito. And Speaking of Keira, first rules nila ay dapat pagkagising nya ay ito ang bubungad sa kanya ngunit hanggang ngayon wala pa rin ito sa loob ng kwarto nya.
Sabagay mamayang hapon pa naman ang punta nila sa kanyang office. Halfday lang sya ngayon dahil nasabi nga nya rito na lalabas sila para icelebrate ang kanyang birthday.
Yes! its his birthday today. Halos makalimutan na rin nya dahil sa dami ng nangyare sa kanya nitong mga nagdaang buwan. Nariyan ang pagkakilala nila ni Keira, pagsisimula ng relasyon ni Bea at ni Lloyd, kunwariang relasyon nila ni Keira, pagbubuntis ni Bea at ang kinakaharap nitong problema, pagpunta ng kanyang daddy dito sa kanyang bahay at sabihin na may fiance sya pero nawawala naman. Ang katotohanan sa pag-alis ng kanyang ina at ang pagkalma sa kanya ni Keira sa galit nya sa kanyang Ama at ito na nga Kaarawan na nya.
Hindi naman sya mahilig magcelebrate ng kanyang birthday pero dahil dumating ito sa buhay nya ay wala na syang mahihiling pa kundi ang makasama lang ito sa birthday nya.
Pasipol-sipol pa sya habang tinutunton ang kanyang banyo para magshower.
Nang matapos magshower ay agad na syang nagpatuyo ng kanyang buhok at sumisipol sipol pa rin. Napakagaan lang ng araw na iyoj para sa kanya. Wala naman syang nababanaagang problema sa kanyang company.
Nagbibihis na sya ng biglang tumunog ang kanyang Cellphone.
Nakita nya na nagregister ang pangalan ng kanyang assistant at agad nya itong sinagot.
"Hey, Good Morning! How's the company going?" Masigla nya pang bati mula sa kabilang linya habang kinakamusta ang kanyang company.
Narinig naman nya ang paghinga ng malalim sa kabilang linya.
"Sir. Im sorry but you have to know about this. I know that you're going here later but I suggest you to come here. May malaking problema lang po. And I think kayo lang po ang makakaresolve." Di mapakaling sabi ng kanyang assistant sa kabilang linya. Parang kabadong kabado ito.
"Okey, Calm yourself. Let me hear it first. What's the Problem." Kailangan nya kasi malaman muna kung anu ang problema para maging profound sya sa possible na solution.
Dapat may idea rin sya kung anu ba ang problema hindi naman dapat na magpanic agad sya at for the first time ngayon lang naging seryoso magsalita ang kanyang assistant ng ganito about sa company. Baka sobrang bigat nga ng kinakaharap nila.
"Sorry Sir. But I can't tell you here. Need ko pong sabihin sa inyo in person. You need to go here na po." Naiinis sya. Anu bang pinagkaiba ng sa phone sabihin at sa personal sabihin. Mas lalong di sya mapakali pero pinapakitaan pa rin nya ng kalmado ang assistant dahil baka naman magpanic ito kapag pinagalitan nya pa ito.
"Okey. I'll be there in an hour. Ikaw na munang bahala habang wala pa ako. Gawan mo muna ng paraan kung anu man yan. And please stay calm okey. Have a deep breath." Narinig naman nya itong huminga ulit ng malalim at binaba na nya ang phone sa kabilang linya.
I need Keira. Nasan na ba yung babae na yun? Itinuloy na nya ang pagbibihis at mabilis na binagtas ang hallway mula sa kanyang kwarto patungo sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
My Amazing Girl (On-Going)
Roman d'amour"No! I dont want to be a model. What if gawin mo na lang akong driver mo? Or Bodyguard. I can use my power to protect you from danger!" Nagulat sya sa suggestion nito bahagya syang nagkainterest sa mga sinabi nito. Kung magiging driver ko sya lagi k...