At dahil 200 na ang aking readers. I just want to thank you all for this. Sa lahat po ng nag-add sa kanilang list ng aking gawa na MY AMAZING GIRL, maraming maraming salamat po. Patuloy nyo lang pong abangan ang aking on-going na kwento.
Sobrang saya ko at hindi makapaniwala na mararating ko ang 200 readers. Sana po hindi po kayo magsawa na magbasa nitong ginawa ko po. You can vote and comment na rin po para po mainspired pa po akong tapusin ang aking sinimulan.
Masarap ang magsulat pero mas masarap palang isipin na may nagbabasa ng mga ginagawa mo. Nakakatunaw po ng puso ang ipinapakita nyo pong suporta.
Keep safe and healthy.
Love lots❤❤❤
Godbless you all.😇😇😇
And To God be all the Glory☝️☝️☝️Ito na po ang Episode 12:
Dedicated to: cydjheff & Jovelaclan
Keira POV
Anim na Buwan ng nagtatrabaho si Keira bilang Driver at bodyguard at dahil ika-anim na buwan na ay gaya ng pinangako ng kanyang boss/boyfriend (Yes! boyfriend kasi hanggang ngayon nag-aact pa rin sya as girlfriend sa harapan ng pinsan nito at kaibigan maging sa harapan ng ama nito) kahit wala namang masyadong sinasabi ang binata tungkol sa pagiging sweet at clingy nito sa kanya ay hindi nya na binibigyan pa ng kahulugan pero minsan nagiging makakatotohanan na syang kumilos dito hindi rin naman nya masisi dahil todo alaga ng binata sa kanya.
Minsan kinikilig sya kahit ayaw nyang maramdaman kusang ipinagkakanulo sya ng katawan kapag sa harapan ng pinsan ay todo yakap nito minsan nga gusto na nyang itulak kasi sumusobra sa clingy at minsan talaga napaparami ang halik sa labi eh.
Basta alam nya nagsimula yun nung umamin ito sa kanya na sya ang batang niligtas nya at ng inalagaan nya ito mula sa pagkakasakit. Sya rin ay tinamaan din pala ng sakit nun at todo rin ang alaga nito sa kanya. Hindi na nga nya naabutan ang doktor na pinapunta nya sa pamamagitang ng assistant nito.
Nakakapanibago lang kasi nitong mga nakaraang linggo masyado na syang busy. Dumami kasi ang mga projects at nagsimula silang mag-bukas ng another agency sa ibang bansa for modelling. Kahit kasama siya nito ay masyadong nagugol ito sa pagtatrabaho. Kaya ginampanan na lang nya ang pagiging bodyguard slash driver na talagang ipinasok nya rito. Natutuwa rin sya para rito dahil unti unti na nitong nararating ang pangarap.
Kahit gabi ay nauunahan nya pa itong matulog dahil sa dami ng kanilang pinupuntahan perro syempre wala naman syang reklamo dahil ang ganda nga naman ng benefits na binigay sa kanya basta magawa lang nya ang trabaho nya rito.
At ngayon nga ay naghihintay na lang sya sa paggising dito. Nakaupo sya sa sofa ng kwarto nito at nagbabasa ng mga magazine. Pasado-alas nuwebe na. Sabi nya lang nito hintayin syang gisingin at may pupuntahan sila pagkatapos.
Nilapitan nya ang natutulog na binata. Nakatagilid ito paharap sa kanya kaya kitang kita nya ang mga talukap ng mata nitong nakapikit, ang tangos ng ilong nito at mapupulang labi. Ganun din ang jaw line nito. Napakakinis din ng mukha nito na animo'y wala man lang black heads or any blemishes sa mukha anu kayang sikreto nito. Natutuwa rin sya sa hilik nitong kung iba ang nakakarinig ay hindi makakatulog pero para sa kanya para iyong musika at kay gandang pakinggan ang weird nu pero nasasanay na sya dito.
Hahaplusin na sana nya ang buhok na tumatabing sa mukha nito pero agad din syang napapitlag ng unti unti ay bumukas ang mga mata nito. Sandali lang syang nabigla at aalis ngunit agad din syang napigilan nito sa kanyang palapulsuhan at hinigit palapit sa nakahigang katawan nito.
Nakatalikod sya ngayon dito habang ang kamay nito ay nakayakap sa bewang nya at ang mukha nito ay ibinaon sa kanyang leeg kaya naman nararamdaman nya ang init na nagmumula sa bibig nito. Napapansin nya ring tumatama ang labi nito sa kanyang leeg at maging sa kanyang tenga at batok.
BINABASA MO ANG
My Amazing Girl (On-Going)
Romansa"No! I dont want to be a model. What if gawin mo na lang akong driver mo? Or Bodyguard. I can use my power to protect you from danger!" Nagulat sya sa suggestion nito bahagya syang nagkainterest sa mga sinabi nito. Kung magiging driver ko sya lagi k...