EPISODE 15 - THE FIREWORKS

93 5 0
                                    

Dedicated to: hazelarsenal &
ivyrima


Keira POV

Nasa isang sikat na Amusement Park ang sumunod na date nila Keira and Dale. Hindi kasi naging maayos ang una nilang date nung day off niya dahil sobrang busy ni Dale at sya naman ay hiningian ng tulong ng Assistant nito na halata namang utos din ng nobyo nya.

Kaya hiniling nya talaga dito na magkaroon sila ng date na matino. Masaya nyang sinusuyod ang paligid at nakita nya ang mga fairy tale costumes na suot ng mga tao at damang dama na nya ang atmosphere na nasa EK na nga sya.

Nakasuot sya ng dress na kasing tulad ng mga nakacostume. Para syang isang prinsesa sa kanyang kasuotan. Pero sa tuwing tinitingnan nya ang suot ng kanyang nobyo ay naiinis sya. Ni hindi man lang sya tinernunahan nito. Hindi man lang nakisama. Yun ang tamang term. Walang pakisama.

Minsan lang maging bata ulit kapag andito sya sa EK pero di man lang pinagbigyan nitong kasintahan nya. Minus point para sa kanya ang ginawa nito.

"Dale, Kung sana pinagbigyan mo ako eh di sana parehas tayo ng suot. Binigyan na nga kita ng susuutin." Inis nyang saad dito nang nasa pila na sila papasok ng Sikat na Amusement park.

"Parang yun lang eh. Para kang bata. Its glitzy, thats why I took it off. What were wearing's not important. Lets go." Usal nito sa kanya. Pabulong lang iyon pero naiinis pa rin sya. Nagtimpi sya dahil date pa naman nila ngayon at gusto nya yung maayos na date. Walang away at walang di pag kakaintindihan. Tinalikuran na lang nya ito.

Nang makapasok na sila ay agad nitong kinuha ang kamay nya. Hinawakan sya nito at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Namula sya sa ginawa nito. Nawala rin ang inis nya sa isang ito.

"Okey I give in." aniya sa kanyang isip. Napatingin sya sa seryosong mukha nito. Sa tingin nya ay bago lang ito sa mga mata ng kaanyang nobyo kaya nagpatianod na lang sya kung saan sya nito dalhin. Ang mahalaga ay kasama nya ito ngayon.

Nang makapasok sila at muling nilibot ang paningin sa paligid ay nakuha nya ang theme ng Amusement park na para silang nasa Wonderland. May clown na pula ang ilong at nagpapasaya sa mga bata. Isang elf princess na may pointed ears and wings, at exotic pirates from Caribbean.

Nakita nya ang walang kasiyahan sa mukha ng nobyo na salungat sa kanyang nararamdaman.

"Why is everyone dressed this way?" Nakakunot nitong saad habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Kasi nga were here po at EK. Ito ang theme nila ngayon. Dont you find it fun and exciting? Dont you feel like a kid just for now?" Pinilit nya pang ngumiti sa harapan nito at hinihigpitan ang hawak sa nakasalikop nilang kamay.

"Im just not used to this kind of scene" yeah, you're not. Saan mo nga lang ba itinutuon ang life mo dati, sa work, sa mga babae na panay palibre lang sayo sa mamahaling restaurant o baka nga naghohotel pa kayo eh. Napailing na lang sya sa kanyang mga naiisip tungkol sa dating buhay nito ng wala pa sya.

Siguro nga ay dapat tinanung nya muna ito kung anu ba ang mga gusto nito bago sya bumuo ng plan na katulad nito. Kasi hindi naman pede na sya lang ang masaya at ito naman ay nakabusangot ang mukha. Kaya nga sila nag-date para makita nya ang ngiti ng kanyang kasintahan. Paano sya magiging masaya kung itong kasama niya naman ay hindi.

Napatingin sya sa Ferris Wheel na mabagal na umiikot kasabay ng langit na nagdidilim sa kulay.

"Lets' ride that." Itinuro nya ang bahaging iyon. Pinipilit pa rin na maging masaya para sa kanyang nobyo na wala pa ring kibo.

My Amazing Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon