EPISODE 7 - THE PAST

76 6 0
                                    

KEIRA POV

'Ma, I'm home!' Bati nya sa kanyang ina na mukhang nakikipagyabangan na naman sa kanyang ama. Ang ama kasi nya ay isang stock broker at ang kanyang ina ay isang real estate broker. Lagi kasi itong nagpapayabangan kung ilang tao na ang nabebentahan nila.

"Kamusta anak ang benta? Marami na bang tao ang nagpainsured sayo ? Ito kasing ama mo kulelat ngayon. At mukhang talo na naman sya sa pustahan namin" pagkatapos nyang humalik sa pisngi nito ay dumerecho na sya sa kanyang kwarto.

Naririndi na sya na wala ng ibang bukang bibig ang mga ito puro na lang pagalingan. Laging nagkukumparahan ng ginagawa at laging nagpupustahan. Nakakasawa na.

"Anak,!" Rinig nyang tawag ng isa mula sa pinto ng kanyang kwarto. "Yung kumpare ko jan sa tabi ng tindahan malapit sa court, balak atang kumuha ng anak nya ng insurance. Kausapin mo nga ah. Nirekomenda kita. Sabi ko ikaw ang pinakamagaling na financial asvisor. At dapat sayo kumuha." Naiiling na lang sya habang pinapakinggan ang ina.

"Kinukuha nga number mo kaya binigay ko na rin baka may magmessage na sayo . Check mo phone mo." Kaya pala lagi na lang may tumatawag na unknown number sa kanya ay dahil sa panay bigay nito ng number sa mga kakilala nito.

Lalo syang naiinis. Nabubuhay lang ang apoy ng kanyang pagrerebelde. Nakailang palit na sya ng number para lang iwasan ang mga tumatawag. Anu ba naman tong buhay na to. Nakakarindi na! Nakakasawa na! Ayoko na! Gusto kong mapag-isa. Gusto kong lumayo na rito.

25 years of existence ay puro na lang ganito ang takbo ng buhay nya. Napatigil sya ng may kumatok ulit.

"Anak?" Ang papa naman nya ang nasa likod ng pintuan. "Kumain ka na ba anak? May luto ako dito . Kain ka na." Buti na lang at anjan si papa. At sana wala na syang marinig na ganun mula dito.

"Sabay na tayong kumain at may sasabihin ako sayo." Napahinga sya ng malalim at inayos ang sarili bago bumaba ng kwarto at dumalo sa hapag kainan.

Susubo pa lang sya ng magsalita ito. "Anak, baka naman may kakilala ka na gusto bumili ng stocks. Ireto mo naman ako . Nangungulelat na ako sa mama po. Tulungan mo naman ako anak. Ayoko matalo sa pustahan namin. Lagi na lang kasi akong natatalo ng mama mo eh. Sige n anak ha tulungan mo si papa----" napatayo na sya at di na nya masikmura ang sinasabi nito. Biglang tumigil ang oras.

Ayaw na nyang makipagtalo pa. Kailangan na nyang lumayo. Bumalik sya sa kwarto at kumuha ng kaunting damit at umalis. Wala syang iniwan na kahit anu na magsasabi kung saan sya titira at iniwan rin niya ang simcard nya para wala ng tatawag pa sa kanya.

Naiiyak sya dahil hindi nya naman talaga gustong iwan ang mga ito pero nagsasawa na sya sa kanyang buhay. Mas lalo lang syang masasakal kapag nagpatuloy pa syang tumira dito. Oo umalis sya ng bahay ng hindi nagpapaalam.

Hinalikan lang nya sa noo ang mga magulang nya at umalis. Alam nya na kung saan sya pupunta. Marami naman syang ipon kaya wala syang dapat ipagalala. Nang makasakay sya ng bus patungong Manila ay bumalik na sa normal ang lahat. Gumalaw na ang lahat ng bagay. Ngunit ang oras ng pag alis nya ay hindi na mapipigilan.

Tumutulo pa rin ang luha nya sa isiping iniwan nya nag mga ito. At handa na syang mamuhay magisa mukha namang kaya pa nito ang mga sarili nito. Unang unang gagawin sya sa Manila ay magresign na as Financial Advisor. Hahanapin na rin nya ang unit ng kanyang pinsan at doon muna sya maninirahan.

'Anu kaya ang naghihintay sa akin sa Manila?' Anung buhay ang makikita ko dito.

"I want you, Keira!" Teka panaginip pa rin ba ito? Malinaw sa kanyang pandinig. Napaungol sya ng makilala ang boses nito. Ito ang kanyang gwapong boss. Walang iba kundi si Dale James Lagdameo.

My Amazing Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon