Sydney's pov:
Napa ct scan ko na si Inay at base sa ct scan nya palaki ng palaki ang tumor nya sa utak, mga abnormal cells na mabilis tumbo at lumalaki.
sunod sunod din ang pananakit ng ulo nya mabuti nabibigyan agad ng nurse ng pampakalma, hindi nadin sya makalakad ng maayos at maging sa pagsasalita ay hirap na sya, unti unti narin nagbabago ang personality nya.
Awang awa ako kay Inay.
hindi ko sya mailabas labas sa hospital dahil nga sa walang pera palaki ng palaki nadin ang bills namin dagdagan pa ng mga session sa kanya.
at yung mga monitoring machine at life support na nakakabit kay inay.
awang awa ako sa kalagayan nya..
alas kwatro ng madaling araw ay nasa palengki na ako kasama ko si letlet dito kasi ang negosyo nila ng nanay nya kaya dito ako nag e extra nag bebenta ako ng isda at gulay para may pandagdag sa lahat ng bayarin.
alas kwarto hanggang alas dose ako ng tanghali dito at pagkatapos dadaan muna ako ng hospital at bibisitahin si Inay, bago ako pupunta sa canteen pagkalabas naman sa canteen nag eextra ako sa patahian ng sapatos kasama si Dairo ito din kasi ang negosyo nila ng pamilya nya.
pagkagaling sa sapatosan babalik ulit ako ng hospital para bantayan si Inay.
pahina ng pahina na ang katawan nya, awang awa ako sa kanya hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sya.
pagmumuni muni ko habang nag aayos ng mga isda at gulay na edi display ko.
Isda kayo dyan!!! 180-200 na po ang kilo murang mura na po!!!! may gulay din po mura lang at sariwa!!!! sariwang sariwa po lahat.
Salamat sa Diyos dahil wala pa ilang oras marami na ang bumili ng isda at gulay na paninda ko.
Salamat po mga suki balik po kayo!!! salmat!! pasasalamat ko sa mga customer na bumubili at may pandagdag na ako sa mga gamot ni inay.
Lumipas pa ang ilang oras paubos na ang mga isda na tinda ko.
Isdang bangos nalang ang mga naiwan.
Isda po kayo dyan!!! murang mura na ho!!! pagtawag ko pa ng customer.
Ija magkano lahat bibilhin ko na! sabi sakin ng isang lalaki hindi naman gaanong katandaan pero mahahalata mo sa kilos at pananamit nya na mayaman sya.
180 per klo po sir mura na ho yun! sagot ko sa kanya.
Ah lahat yan magkano uubusin ko na para naman makauwi kana sa inyo at makapag pahinga! saad nya habang nakangiti sakin.
Huh totoo po salamat po sir hulog kayo ng langit! hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya.
Oo naman ija mukha ba akong nag bibiro hahaha!! masaya naman nyang sagot sakin.
Ah eh salamat po talaga sir!! bale bale nasa 900 pesos po lahat sir 5kls po lahat! saad ko habang nilalagay sa eco bag ang mga isda na binili nya.
Ito ija huwag mo nang ibalik ang barya keep the change nalang! sabay abot nito ng 1000 sakin.
Ho!! ang bait nyo naman sir??? naputol ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang pangalan nya.
Lorenzo ang pangalan ko! nakangiti naman nyang saad sakin..
Salamat po sir Lorenzo!!! ako nga po pala si Sydney ! saad ko sa kanya.
Sydney!! ang gandang pangalan ija bagay na bagay sayo, bagay sa isang katulad mong napaka ganda! masayang saad nya sakin.
BINABASA MO ANG
****SYDNEY ang BASTARDA****
General FictionSi Sydney Alcantara Monti Silva ay isang bastarda may maamo at malaanghel na mukha na iibigin ng lahat kaya hindi mo aakalaing nakakubli dito ang palaban at mapanganib nyang pagkatao sa mga mapapangapi, mga ganid at mapanghusga, hanggang kailan nya...