CHAPTER 18

8 1 0
                                    

Sydney's Pov:

Nasa labas na ako ng university at nakaupo lang ako sa waiting shed habang hinihintay si Marco dahil nga ang sabi nya susunduin nya ako ngayon.

Hindi nadin ako kumabay pa kina Letlet, Anna Maree at Xyrel mga nag mqmadali din kasi sila may mga kanya kanyang lakad din kasi. Papano may mga date na sila ngayon.

Dahil sa walas singot nadin i Anna Marel itong si Michel at talagang sabay magkasunuran lang sila nina Xyrel at Russell kaya ayon date date nalang sila ako panira lang ako ng moment nila kapag sumama ako sa kanila.

Hmm si Chazha naman wala sya dito ngayon sa Manila nasa probinsya nila may mga importanteng aayusin kasi ang pamilya nya then pati sya sumama hayss absent nanaman sya ngayong araw.

Mga ilang minuto nadin yata ako nagaantay sa kanya pero wala paring Marco na dumating.

Nag eh scan scan lang ako ng phone ko at ilang ulit ko na din tinext si Marco pero wala padin reply.. siguro nga eh talagang busy lang.

Mayamaya may sasakyang huminto sa tapat ko kaya agad akong napatingin baka si Marco na subalit si Daniel.

Bumaba sya naka office suit pa sya saka lumapit sa akin at may dala pa itong flowers.

Ngumiti sya ng napaka sweet sakin waka lumapit sa kinauupuaan ko.

Hi Syd! bulaklak para sayo! sabay abot ng bulaklak sakin.

Ahh thank you Daniel! saad ko sa kanya pagkakuha ko ng bulaklak na bigay nya.

Nasaan ang sundo mo? bakit hinayaan ka nyang mag antay dito? tanong nya saakin na halatang concerned.

Busy pa siguro si Marco kaya wala pa sya! sagot ko naman habang nakangiti .

Ah ganon ba! yayain sana kitang magdate eh kung okay lang sana sayo! ito lang kasi yung oras ko para makalapit sayo eh napaka bantay sarado ka talaga kay Marco! saad nya pa saakin.

Ah yayain mo akong makipag date? hmm puwede naman! sige e text ko nalang si Marco na huwag na nya akong sunduin kasi baka pagod naman yun sa trabaho" sagot ko naman sa kanya na ikinatuwa nya.

Talaga Sydney pumapayag kana? muli nyang tanong na parang hindi makapaniwala.

Oo naman basta hatid mo ako agad ah! saad ko saka nya ako inaya papasok sa loob ng sasakyan nya.

Talaga salamat Sydney pinagbigyan mo din ang wish hmm don't worry ako ang bahala sayo! masayang sagot naman nya sa akin.

Nag drive na si Daniel ng sasakyan nya at pumunta kami sa isa sa pinakamamahaling Italian restaurant dito sa Philippinas.

Nag order sya ng Italian's meatballs with spicy tomatoes souce para saakin👇.

at saka ng Italian baked shrimp 👇

at madami pang iba. Nag order din sya ng wine na para samin lang dalawa.

Kumain lang kami habang nag kukwentuhan tungkol sa mga bagay bagay.

Sa totoo lang sweet na ma effort din si Daniel at gentle man pa, masaya kasama at ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. At nakikita ko naman na seryuso talaga sya saakin at sigurado sya sa kanyang nararamdaman. pero alam ko sa sarili ko na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero alam ko naman natuturuan din ang puso kung sino ba talaga ang mamahalin.

Si Marco naman sweet at ma effort din saka full of surprising sya para sakin kaso nga lang may pagka suplado talaga sya at maypagka bossy pa. ang pinakaayaw ko pa sa lahat ay napaka babaero. Masaya syang kasama at kapag kasama ko sya hinihiling ko na sana walang hanggan iyon. alam ko din sa sarili ko na mahal ko sya pero natatakot lang talaga ako na masaktan na baka pagsisihan ko lang sa huli kung sya ang pipiliin ko.

****SYDNEY ang BASTARDA****Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon