Sydney's Pov:
Ilang araw narin na walang pasok at medyo na bubored nadin ako dito sa condo hmm si Marco kasi laging nasa trabaho kaya kadalasan mag isa ako samantalang sina Letlet at Dairo masayang gumagala, sumasama naman ako sa kanila minsan pero sympre kailangan din nilang magkaroon ng time para sa isat isa lalo na at magkalayo sila ng school na pinapasukan at bihira silang magkita.
At saka hindi na kami katulad ng dati sympre ngayon mag jowa na sila kaya may mga lakad sila ng silang dalawa lang baka maging sagabal lang ako sa kanila at saka baka mainggit lang ako.
Palagi rin kasi nila akong inaasar na sagutin ko na daw si Marco or kaya si Daniel. Para may lovelife nadin daw ako hmm tinatawanan ko lang naman sila sa tuwing inaasar nila ako.
Sila Anna Maree naman kapwa busy din sila sa kaniya-kaniyang buhay. Habang ako heto naghihitay kung kailan uuwi si Marco para mag handa ng pagkain nya at gigising para naman maghanda ng makakain nya.
Nag mumuni-muni ako ngayon dito sa kwarto habang nakaupo at nagbabasa ng mga books ko.
"Hoy masubrahan ka nyan sa talino! sipag mo naman mag aral kahit sem break nag e study ka hmm!! saad ni Marco sa bandang likuran ko.
"Sympre ano ba ang ibang puwede kong gawin dito sa condo mo? bukod sa pagluluto! paglilinis at paglalaba ito lang ang puwede kong gawin para labanan ang boring ko! ayaw ko rin naman lumabas kasi tinatamad ako kaya pati si Daniel minsan tinatanggihan ko kapag nagaay lumabas! sagot ko naman sa kanya na nasa tabi ko na ngayon.
"Ohs ganon? so ngayon mag impake kana ng mga gamit mo! saad naman nya saka tumayo at ginulo gulo ang buhok ko.
"Huh? bakit saan tayo pupunta? takang tanong ko naman sa kanya.
"Hmm basta bilisan mo mag aasikaso narin ako ng mga gamit ko, tatagal tayo ng halos isang linggo doon kaya magdala ka ng ilang pirasong damit okay!! sagot nya saka sya tuluyang lumabas sa kwarto.
Hindi ko na kinuntra pa ang sinabi ni Marco, kasi ang totoo gusto ko naman talaga sya makasama sa bakasyon.
Maya-maya may nagtext sa phone ko dalidali ko itong binuksan at nakita kong si Daniel pala kaya binasa ko agad ang message nya.
Daniel- Hi Sydney:) Are you busy today? gusto sana kita yayain kung sasama kaba saakin may overnight kasi sina Michael, Russell at Xandro kasama ang mga girlfriends nila. I hope Sydney makasama kita.
Nagulat ako sa mensahe sakin ni Daniel gustuhin ko man sumama kaso paano naman ni Marco at saka may pupuntahan kami halatang importante eh.
Nag isip pa ako sandali ng mas mainam kung gagawin at nakapag decided ako na mas naunang mangyaya saakin si Marco kaya agad kong tenext si Daniel para tumanggi.
Sydney- Hello Daniel thank you huh sa pagyaya pero sorry may pupuntahan kasi kami ni Marco kaya pasinsya kana babawi nalang ako sayo sa susunod.
Reply ko kay Daniel na agad din naman nyang ni respond.
Daniel-Ahh ganon ba sige sa susunod nalang basta ingat ka palagi ah! Saad nya saakin.
Hindi ko na nareplyan pa Marco nang Maya-maya ay tumunog nanaman ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sila Letlet pala.
Niyaya nila akong sumama sa kanila subalit katulad ng pagyaya ni Daniel ay tinanggihan ko din sila mas pinili ko padin ang mas makasama ni Marco.
Nagligpit na ako ng mga gamit ko, kumuha lang ako ng iilang piraso ng damit ganon din ng short, underwear at saka bra. Inilagay ko na iyon sa aking bag, then nagdala na din ako ng jacket para sa panlamig.
BINABASA MO ANG
****SYDNEY ang BASTARDA****
General FictionSi Sydney Alcantara Monti Silva ay isang bastarda may maamo at malaanghel na mukha na iibigin ng lahat kaya hindi mo aakalaing nakakubli dito ang palaban at mapanganib nyang pagkatao sa mga mapapangapi, mga ganid at mapanghusga, hanggang kailan nya...