Marco's Pov;
Makikinig na sana ako sa sinabi ni Sydney na tama na subalit bigla nalang akong sinuntok sa mukha ni Daniel hindi ako naka bantay non dahil nakatingin ako sa mukha ni Sydney na nakikiusap na huwag na kaming magtalo dalawa.
Nasuntok nya ako sa mukha. nasuntok nya ang iniingatan kong mukha kaya naman ginantihan ko din sya sa mukha din nya pero mas malakas ang pinakawalan kong suntok.
Nagsuntukan na kami at ang mga babaeng kasama namin saka si sydney ay inaawat kami habang ang mga barkada ko hinahayaan lang nila kami.
"Umayos ka bro huh huwag kang makabawal bawal saakin dahil hindi pa ako!!! sigaw sa akin ni Daniel.
"Alam ko pero malapit na maging kami tatak mo yan sa isip mo brod na ngayon palang dumistansya kana! at saka bakit mo ako sinuntok huh!!! saad ko sa kanya saka sya kinuwelyuhan.
"Hoy tama na yan Marco umayos ka nga magkaibigan kayo tapos mag aaway naman kayo! nagi guilty ako sa mga pinaggagawa nyo!!! mangiyak ngiyak na saad ni Sydney saamin.
"Oo nga Marco itigil nyo yan awat na!! makinig naman kayo!! hoy Michael awatin mo nga yang dalawa! saad naman ni anna maree.
"Hayaan nyo ang mga yan matatanda na yan sila alam na nila ang tama at mali! Sagot ni Michael.
"Sure ba kayo dyan baka magkasakitan ang dalawa ah umayos kayo!! Dagdag pa ni Xyrel.
*Nako Oo naman haysst kilalang kilala na namin ang isat isa noh!! Sagot naman ni Russell.
"Huwag kayong makialam dito iwanan nyo na muna kami ni Daniel!!! inis kong sabi sa mga nakapalibut saamin.
"Marco ano bang binabalak mo huh?? gulat naman na tanong ni Sydney saamin.
"Hmm Syd wala toh..iwan nyo muna kami! sagot naman sa kanya ni Daniel.
Ayaw pa sana umalis ni Sydney sa harapan namin samantalang ang iba naming kasama ay agad nang umalis ngunit binalikan sya ni letlet ay inaya nang umalis sa kinaroroonan namin.
At ngayon dalawa nalang kami ang naiwan ni Daniel, niyaya ko sya sa simpling basketball cour namin sa likod ng aming resthouse.
"Anong ginagawa natin dito Marco? tanong nya pa saakin at halatang galit nadin habang ako ay relax lang sa tension na nagaganap.
Pinulot ko ang bola at tinapon ko sa kanya at na catch nya din naman ito.
"Hmm nakalimutan mo na ba kapag may isang bagay tayong pareho natin nagugustuhan? Tanong ko sa kanya.
"Oo You mean maglalaban tayo para kay Sydney kung sino ang mananalo sya ang nararapat kay Sydney! sagot naman nya saakin.
"Yup at sisiguraduhin kong hindi ka mananalo sa akin Daniel! dahil ang akin ay aking lang hinding hindi mo sya puweding maagaw sa akin! paghahamon ko sa kanya.
"Ah talaga Marco sa ating dalawa ako ang mas magaling sa basketball nakalimutan na ba nung mga bata pa tayo? saad nya pa na ikinainis ko kaya agad kong inagaw ang bola sa kanya at nag simula na kaming mag laro.
Oo aminado ako na mas magaling si Daniel sa akin sa larangan ng basketball kahit noon pa, ni bihira lang ako manalo pag dating sa kanya ngunit ngayon kailangan kong manalo kailangan kong ipanalo ang dapat na nasa akin.
Dinidriball ko ang bola ngayon at habang si Daniel ay tudo bantay at inaagaw saakin ang bola.
Ngunit bago pa nya maagaw saakin ay agad ko na itong na i shoot sa ring kaya naman 1 point na ang score saakin at kay Daniel zero.
"Hindi ako papayag na maagaw mo lang saakin ang babaeng mahal ko Daniel! saad ko sa kanya.
"Sige Marco gawin mo ang lahat para hindi ko sya maagaw sayo! sagot naman nya habang sya nanaman qng naka shoot ng bola sa ring.
BINABASA MO ANG
****SYDNEY ang BASTARDA****
General FictionSi Sydney Alcantara Monti Silva ay isang bastarda may maamo at malaanghel na mukha na iibigin ng lahat kaya hindi mo aakalaing nakakubli dito ang palaban at mapanganib nyang pagkatao sa mga mapapangapi, mga ganid at mapanghusga, hanggang kailan nya...