Marco's pov:
Matapos ang nangyari kagabing pagtatalo namin ni Sydney ay hindi ko na siya napilit pa na kausapin.
Matapos ng masampal niya ako kagabi ay agad na siyang pumasok sa kwarto niya at nag lock ng pinto.
Tinitext ko siya ngunit hindi manlang nagrereply. pinapaliwanag ko ang sa pagitan saamin ni Clarisse ay hindi padin siya naniniwala.
Balak ko paman sanang e surprise siya at yayain siya ng date pero ayaw na niya makipag usap sakin.
Maaga siya nagising at nagluto ng aming almusal.
Nag sangag siya ng kanin, saka tapa at itlog na ge Sunnyside up ang pagkain namin ngayon.
Hinanda na niya ang mesa upang makakain na kami. Habang ako ay nakaupo sa harap ng mesa at nag co coffee.
Kinakausap ko siya tungkol nga sa amin ni Clarisse.
Ah Sydney sana naman naniniwala ka na kaibigan lang talaga kami ni Clarisse! seryusong saad ko sa kanya.
Huh wala naman po akong pakialam sir Marco eh kung meron kayo ni Clarisse o wala basta ang importante saakin dito ay nagtatrabaho po ako! seryusong saad niya na halos walang bakas ng emosyon ang mukha niya.
Napahiya ako sa sinabi niyang iyon. Oo wala ngang pakialam sya saakin dahil wala naman kami para mag selos siya ng ganon at saka kahit anong gawin ko siguro walang pakialam at pakiramdaman yan siya sa nararamdaman ko.
Siguro nga kahit anong gawin ko hinding hindi nya talaga ako magugustuhan. Yun ang masakit at mahirap tanggapin para saakin.
Iyon tipo na sya ang gustong gusto mo at siya ang pinipili mo pero hindi ka pala gusto at hindi sya masaya sa feeling mo at higit sa lahat hindi ka niya pinipili. Dahil may nakilala na siya at baka magustuhan niya pa ito.
Habang kumakain ang seryuso niya walang imikan at pansinan.
Natapos na kami kumain naligo na ako at ganon din siya.
After few minutes ay natapos na kaming mag ayos ng aming mga sarili at ready na kami pumunta sa aming mga dapat puntahan.
Nasa kotse na kami at bibigyan ko sana siya ng cash allowance niya pero?
Hmm Sydney ito pala ang allowance mo! saad ko sabay abot ng pera sa kanya.
Huwag na po kayong magalala saakin mayron pa naman akong natitira eh at saka nga pala huwag mo din akong sunduin mamaya sasabay nalang ako sa mga kaibigan ko. at isa pa sir Marco tigilan nyo na po ang pagaalala at pagbibigay ng atensyon saakin focus nalang po Kayo sa girlfriend nyo! walang ka emo emosyon niyang saad sa akin.
Sydney ilang beses ko bang sabihin sayo na walang namamagitan sa amin ni Clarisse! sana naman maniwala ka! paliwanag ko nanaman.
Ngunit hindi na lamang siya umimiik at hindi ko na din sya na pilit pa na kausapin ako.
Nag drive na ako ng kotse patungo sa school nila.
Habang nasabeyahe panay ang tingin ko sa kanya habang siya ay malungkot at nakatingin sa kawalan.
At lumipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa school niya.
pagkababa niya sa kotse ay nagpasalamat naman siya saakin pero iba talaga eh. Ang lamig ng pakikitungo niya saakin kompara sa mga nakaraan.
Umalis na akong dala dala sa puso ko ang lungkot dahil sa pakiramdaman na wala syang pakialam sa nararamdaman ko. Sabagay hindi ko naman siya masisi sino ba naman magkakagusto sa katulad kong babaero mananakit ng puso ng mga babae.
BINABASA MO ANG
****SYDNEY ang BASTARDA****
General FictionSi Sydney Alcantara Monti Silva ay isang bastarda may maamo at malaanghel na mukha na iibigin ng lahat kaya hindi mo aakalaing nakakubli dito ang palaban at mapanganib nyang pagkatao sa mga mapapangapi, mga ganid at mapanghusga, hanggang kailan nya...