Chapter 18
Gift-----
Hindi ko alam kung pa'nong pigil ang gagawin namin kay Joseph nang halos sugudin na niya si James nang marinig namin 'yon. His eyes were on fire while glaring at James, who looked so scared at him. Shae looked scared at her brother, too, as she watched us tried pulling Joseph away from them. Ryan didn't know what he should do, so, I signaled him to take his friend away from us.
Joseph just calmed down when James was already out of his sight. Dahil sa nangyaring 'yon, hindi na niya halos alisin sa paningin ang kapatid niyang halatang iritado na sa kaniya. Yuna talked with her brother to let Shae go, so, she could go to her classroom already since our classes were about to start already.
Hindi ko alam kung anong pangungumbinsi ang ginawa nina Alena kay Joseph para 'wag sabihin kay Kuya Alfie ang tungkol doon sa nangyari kay Shae at James dahil pumayag ito. Nakikinig at nanonood lang naman kasi ako sa kanila dahil una, hindi ko naman kapatid si Shae at dapat lang na hindi ako manghimasok sa pamilya nila, lalo na't itong si Joseph ay hindi matago ang pagkakairita niya sa isang tao. Alam ko na dahil sa hindi niya matagong-tagong iritasyon ay malalaman din agad ni Kuya Alfie ang tungkol sa unang halik ng nakakabata nilang kapatid na si Shae.
Naging maayos naman ang mga naunang klase namin dahil hindi na naman nabuksana ng topic tungkol sa nangyaring 'yon. Naalaala lang ulit 'yon ni Joseph nang makita niya ang kapatid ko kasama si James sa canteen habang bumibili kami ng pineapple juice. Mabuti na lang at nakapila kami sa may counter nang makita namin ang dalawa na pumasok sa canteen dahil kung hindi, sigurado akong sinugod na siya ni Joseph, lalo na't wala masyadong tao sa loob ng canteen.
"He's so annoying," iritadong bulong ni Joseph habang nasulyap kina James at Ryan na wala namang ginagawa sa kaniya.
"He's just reading his book, Joseph," ani ko habang pinapanood siyang sumusulyap sa dalawa.
"His face is enough to annoy me," sagot niya kasabay nang pag-irap dahil sa nakitang pag-ngiti ni James dahil sa sinabi sa kaniya ni Ryan.
Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa ginagawa't nararamdaman ni Joseph dahil kay James. Masama na talaga ang loob niya roon dahil sa ginawa raw nitong pag-agaw kay Ryan mula sa kaniya pero alam ko namang biro niya lang 'yon. Hindi ko naman alam na magkakatotoo pala dahil sa kapatid niyang si Shae, na hindi naman mukhang apektado sa nangyaring aksidenteng 'yon. Mukha ngang wala siyang pakialam tungkol doon sa nangyari. Tanging Kuya niya lang ang sobrang apektado roon.
Siguro ay ganoon talaga kapag may kapatid kang babae tapos bunso niyo pa. Ganoon din naman yata ako pagdating kay Ryan kapag may makita akong babae na kasama niya. Sigurado akong hindi lang pagwawala ang pwede kong gawin kapag sa kaniya nangyari iyong nangyari kanina dahil una sa lahat, he's my baby, and I don't want him to experience those things at such a young age!
"Lovely, what strand do you want to take in senior high school?" Lila asked while we were sitting at a table in the library of our school.
What do I want? Honestly, I don't have any idea about what I will do after ten years. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ako noon, e. I know that since then, I want to be an engineer, but I became a ballerina which I learned to love, too. Hindi ko alam kung kaya ko bang sumayaw nang sumayaw bilang trabaho ko kaya dapat, may iba pa akong gawin bukod sa pagsasayaw ng ballet.
BINABASA MO ANG
Plan To Love (Love Duology #2)
Lãng mạn[Love Duology #2] They say that if you find your soulmate, you will be the happiest person alive in the world. She believed in that phrase because she's happy with him, very happy. But just like the ordinary story of a happy couple, bad things happe...