[I suggest you listen to this song while reading this chapter: Deja Vu- Olivia Rodrigo]
Chapter 27
Happy
-----
"It's not even that hard," Steve said while frowning at me.
"Sorry to say that our brain cells worked differently," I snickered.
Steve smirked at me upon hearing my statement. He shook his head before proceeding with teaching me about our topic earlier. We were in the garden of my new school, Lee Academy. Mommy transferred me and Ryan in here when she decided that we will live here in the Philippines for good. She doesn't want to hide anymore and will just support Daddy with what he wants to do, but Daddy was still resting since he just got operated on. The ongoing case that he was handling was passed by his friend, who served the defendants as guilty with the right amount of shreds of evidence they got.
Since Daddy was still not in the right condition, Mommy decided to stay in the Philippines until he got better, but eventually decided to stay in here for good. Walang kumontra sa kaniya dahil halatang desidido na siya sa ginawa niyang desisyon. Hindi rin naman ako nag-reklamo dahil pabor iyon sa akin, lalo na't kakahiwalay ko lang kay Joseph. Ayokong bumalik doon dahil sigurado akong gagawa ng paraan si Joseph para maging kami ulit, kung ako pa nga ang mahal niya. Kung hindi na, wala ng problema kahit na bumalik ako sa Los Angeles.
Ilang buwan na simula nang umalis kami roon. Isang buwan akong hindi tinantanan nina Joseph at Lila sa pagpa-padala ng messages hanggang sa napagod na sila. Kinakausap ko naman si Lila, pero kapag bubuksan niya ang topic tungkol sa amin ni Joseph o kung kailan ako babalik doon, hindi ko na siya sinasagot. Hindi ko rin nire-reply-han si Joseph dahil kapag sinagot ko siya ay parang wala rin ang ginaw akong pakikipag-hiwalay.
Ni hindi ko nga alam kung bakit niya pa rin ako sinusubukang kausapin kung kailan wala na ako. Sinabi ko naman sa kaniya na wala akong tiwala kay Ava at alam kong may gusto 'yon sa kaniya, pero mukhang kinalimutan niya ang sinabi kong 'yon dahil nakikipag-tawanan pa siya roon noong mga araw na naro'n pa ako. Hindi ko alam kung nakalimutan niya ba ang tungkol ro'n o kinalimutan niya.
Natatakot din ako na baka sa oras na mapagtanto niya na hindi na niya ako mahal ay hindi ko na siya kayang pakawalan kaya ginawa ko na ng mas maaga pa. Ako na ang nag-baklas sa mga sa yakap na matagal na naming iniingatan. Sa yakap na matagal na naming dinaramdam, na hindi na namin napapansin na masyado na pala kaming naka-depende sa isa't isa. Hindi na namin namalayan na hindi na pala namin kayang gumawa ng mga desisyon na hindi sinasali ang isa't isa.
Kung hindi niya mahal si Ava at mali lang pala ako, sana ay maintindihan niya ang isa ko pang rason kung bakit ako nakipag-hiwalay sa kaniya. I broke up with him because I want us to grow. I want us to know the world without each other. I want us to cross the paths that we are destined to cross without each other. I want to grow, individually.
If he loves Ava, good for him. Sabi ko naman, kaya kong gawin para maging masaya siya. Ang hindi ko alam, magiging masaya pala siya nang wala ako. Kung alam ko lang, e, 'di, sana, matagal ko nang ginawa 'yon dahil mahalaga sa 'kin na masaya siya... Kahit na mawasak pa ako.
"What will you do this December?" Steve asked while we were on our way back to our classroom.
Steve is my first friend at Lee Academy. Siya ang naging kaibigan ko sa paaralan, kung saan bago pa lang ako. He's nice even if he becomes arrogant when we're talking about the things that can be related to his family's wealth. Hindi ko naman siya masisisi dahil talagang mayaman sila. Aside from the academy that they owned, they also owned a clothes-line company. He's also smart and his looks can't be denied as handsome.
BINABASA MO ANG
Plan To Love (Love Duology #2)
Romans[Love Duology #2] They say that if you find your soulmate, you will be the happiest person alive in the world. She believed in that phrase because she's happy with him, very happy. But just like the ordinary story of a happy couple, bad things happe...