Chapter 25

29 1 0
                                    

[I suggest you listen to this song while reading this chapter: Grow As We Go- Ben Platt.]

Chapter 25

Decision

-----

Days passed so quickly. Hindi ko namalayan na ilang buwan na lang, senior high school na kami. I wasn't even ready to graduate from high school, where all the memories I have done came from. Ava became Alena's best friend in those months, too. Hindi ko alam kung bakit pero halatang ayaw ni Lila kay Ava. Hindi niya lang pinapahalata kay Alena dahil si Ava ang unang naging kaibigan niya maliban sa 'kin.

Masaya ako para sa kaniya dahil sa wakas, nakahanap na rin siya ng kaibigan niya. Palagi na lang kasi siyang nagre-reklamo na si Lila raw ang best friend ko sa kanilang tatlo nina Nora habang si Joseph ay boyfriend at best friend ko rin. Si Nora kasi ay walang balak na makipagkaibigan kung kani-kanino dahil mas priority niya ang paga-aral niya. Hindi rin namin siya masyadong makausap dahil nga sa libro palagi nakatuon ang atensyon niya, kasama man kami o hindi.

Isa sa mga napansin ko kay Ava ay ang madalas niyang pag-sulyap kay Joseph. Alam ko na ang mga kilos na ganoon kaya ipinaalam ko kay Joseph na 'wag masyadong maging mabait kay Ava dahil baka, mas magustuhan siya nito. Alam ko naman kasi na may gusto siya kay Joseph dahil sa mga pasimple nitong parinig at pa-sulyap-sulyap. Alam naman niyang girlfriend ako ng taong gusto niya pero wala pa rin siyang ginagawa para pigilan 'yung nararamdaman niya. Pansin din iyon ni Lila kaya siguro ay ayaw niya kay Ava.

Hindi naman namin iyon magawang sabihin kay Alena dahil halatang masaya siya na may bago siyang kaibigan. Ayokong masira agad ang ginawa niyang pagkakaibigan dahil lang sa relasyon namin ni Joseph. Wala namang ginagawa si Ava maliban sa pasulyap-sulyap at pagpaparinig niya kay Joseph. Bukod doon, wala na siyang ginagawa. Hanggang doon lang.

Nahalata rin 'yon ni Joseph kaya balak niya na sana itong kumprontahin nang pigilan namin siya ni Lila dahil kay Alena. Naintindihan naman niya kahit na halos sakmalin niya na si Ava sa tuwing nagpaparinig ito sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya. Ang paraan para maiwasan ang pag-sakmal niya kay Ava? Hindi na lang kami sumasabay sa kanila tuwing lunch. Minsan na lang dahil kay Lila, halos sumama na sa amin ni Joseph.

I smiled at the lady in the cafeteria when I was done buying banana milk for Joseph. I gave her my payment before I went out of the cafeteria, holding the two banana milk. Joseph loves this drink because it contains his favorite fruit. We always drink this whenever we're together since it always reminds us that we once ate bananas under the tree, where the promise we made is engraved. 

I walked towards the music room, where Joseph was when I left. The door of the room was half-opened which made me tilted my head since I closed it when I left the room to buy him banana milk. I was about to enter the room when I heard waves of laughter from a girl. I froze in my state when I recognized the voice of the girl, who was laughing inside the room.

My chest started to gain pain when I heard Joseph's voice. He was laughing, too. His laughs weren't fake nor sarcastic. They were genuine like he was happy for some reasons that I failed to know how and why. I licked my lower lip as my hold on the doorknob tightened, reminding myself that if I get jealous, my mind won't work properly.

Isa pa, bakit naman ako magse-selos sa kanila ni Ava? Oo, gusto siya ni Ava pero ako ang mahal niya. Hindi dapat ako mag-selos sa mga ganitong bagay dahil ikasisira ko 'yon. Ako ang masisira kapag nagkataon. Hindi si Ava. Hindi si Joseph. Ako ang masisira, hindi sila. Ako, hindi sila.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang pumasok ng silid. Natigil sila sa pag-tawa dahil sa ginawa kong pag-pasok. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ni Ava nang makita ako pero hindi ko siya pinansin. Wala akong pakialam kahit irapan pa niya ako.

Plan To Love (Love Duology #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon