Note: grammatical errors ahead
Their surprise, her unexpected confession and a passionate kiss
Alodia's Point of View.
Pagkatapos ng sayawan ay inaannounce ng announcer na magsasabi na daw ng mga messages kaya bigla akong kinabahan
Magugustuhan nya kaya yung kantang sinulat ko?
Paulit ulit akong napalunok dahil sa kaba, wala naman talaga akong balak na sabihin ngayon kasi nga nakakahiya. Ang daming tao. Pero sa huli ay napagdesisyunan kong ngayon sabihin
Unang umakyat sa stage ang mommy ni jace at kinuha yung mic na inilahad ng announcer. "so i just want to greet first my son, a happy birthday. Time flies so fast, naalala ko pa nung una nya akong tinawag na mama, muntikan nakong umiyak noon dahil ganon pala ang pakiramdam na magkaroon ng isang anak at matawag ka nyang ina. We witnessed his ups and downs kaya i'm so proud of him dahil kahit na ang dami nyang pinagdaanan sa past nya, nagawa parin nyang bumangon at magsimula ulit. Labis ang pasasalamat ko sa diyos dahil binigyan nya ako ng mabait, matalino, mapagmahal, masipag at matapang na anak. And i hope....i hope in the future makahanap sya ng babaeng mamahalin sya, aalagan sya, hindi mapapagod sakanya at iintindihan sya, sana hindi na sya ulit masaktan dahil parang pinipiga yung puso ko sa tuwing nakikita kong may pumapatak na butil ng luha sa mga mata nya. All i wish is your happiness anak, please don't be too hard for your self and enjoy your teenage life, i love you" maririnig sa mikropono ang mahinang paghikbi ni tita.
Bumaba si tita at agad syang sinalubong ng yakap ni jace
"thank you ma, i love you so much" rinig kong saad ni jace sa ina
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sila. Mahal na mahal siguro ni jace ang mommy nya at ganoon din si tita sakanya
Sunod namang grineet ni tita si zean na katabi lang nya. "And to my one and only queen, my zean. Happy birthday anak, i am so proud of you. Always remember that we are so proud of you okay? We don't care if you are not the top 1 in class as long as we knew that you did try your best. Kung may problema kamang pinagdadaanan, please don't hesitate to tell us okay? Your family, your friends are always here for you. I love you so much sweetie" madamdaming saad ni tita habang pinupunasan ang mga luha nya
"ma naman! Dapat kasi nagsasayahan tayo dito at hindi nag-iiyakan!" saad ni zean at pinupunasan din ang mga luha nya
"Pero seriously, thank you mom! Thank you for loving us. I love you so much mama"
Sumunod naman ang ama nila at binati din nila jace at zean ang isa't isa at nagbigay din ng mensahe
Ng kami na ang sumunod ay nakita kong tumayo si mav at pumunta may gawi ng announcer at parang may inaasikaso. Para siguro iyon sa surprise namin.
Maya maya pa ay may dumaan sa gitna na may dala dalang malapad at malaking tv at inilagay ito sa pinaka gilid ng stage para makita ng lahat. Malaki ito kaya mukhang makikita naman. Lumapit dito si mav at may isinuksok na kung ano sa likod ng tv na sa tingin ko ay yung flash drive
"zean, jace, pikit muna kayo" saad ni mav sa microphone at nadinig namin ito
"huh? Bakit?"
"basta pikit nyo muna mga mata nyo"
Sinunod naman nila zean ang ini-utos ni mav kahit naguguluhan
Maya maya pa ay nagblack-out ang tv at may narinig kaming boses sa background
"okay naba?"
"ay ayan okay na"
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Completed)
RomanceStatus: Completed [Prompt] Paano kung pagtagpuin ng tadhana ang isang taong misteryoso at ang isang taong matuturing na ordinaryo ngunit may hindi pangkaraniwang kakayahan? Paano kung sila ay salungat ng pagkatao? Sila kaya ay magkakasundo? Ang la...