Chapter 32

54 4 0
                                    

Note: Grammatical Errors Ahead

Sino sya

Zean's Point of View.

Nasa tambayan ako ngayon kasama sila riley na nasa kusina habang ako ay nasa sala at nakahiga sa sofa at nagcecellphone ng biglang may nagpop-up na message sa screen ng phone ko na ikinalaki ng mga mata ko at napaupo ako mula sa pagkakahiga

'I love you' lang ang nabasa ko dahil bigla itong nawala sa screen ko kaya agad akong pumunta sa messages at tiningnan kung sino ang nagtext

Ngunit laking pagtataka ko ng hindi pamilyar ang number na nagtext sakin. Kahit nag-aalangan ay binuksan ko ito

Unknown Number:

I love you. I'm always watching you from a far. I could only love you if i'm far away from you.

Yun ang laman ng message. Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinilabutan. Napatingin ako sa bintana ng may maaninag akong bulto ng isang lalaki na nakatayo sa gilid ng isang poste. Open kasi ang gate kaya kitang kita ko ang nasa labas

Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil naka cap at naka jacket sya

Tumunog ulit yung phone ko kaya napatingin ako dito

Unknown Number:

Am i too late?

Basa ko sa tinext nito. Agad kong ibinaling ang tingin sa bintana ngunit napakunot ang noo ko ng makitang wala na doon ang lalaki. Alam kong lalaki ito dahil sa tindig nya

Bigla akong napalunok nang maramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok

Damn! Sino iyon? Sino sya?

Hindi ko sya kilala kaya paniguradong stalker ko sya. Madami akong stalker pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking nakita kong nakatayo kanina sa labas

Matagal nya na ba akong iniistalk? Damn! Nakakabaliw!

Tsaka anong ibig nyang sabihin dun sa last text nya? Why did he asked if he's too late? Damn it!

Alam nya rin kaya ang bahay namin? Malamang ay alam nya! What if nasilipan nya na pala ako? No way....

Umiling-iling nalang ako at pilit na iwinawaglit ang aking naiisip. Mababaliw na ata ako dahil sa misteryosong lalaking iyon

Kami lang ng mga girls ang nandito dahil may pinuntahan sila kuya at yung mga boys. Si yuri naman ay hindi makakapunta dito sa tambayan dahil bibisitahin daw nila ang grandparents nya. Si gale naman ay hindi din makakapunta dito dahil may pupuntahan rin daw sya kaya kaming walong mga girls except kay gale ang nandito. Sabado ngayon kaya wala kaming klase at dito muna ako tumambay dahil wala din namang tao dun sa bahay maliban sa mga maids

Humiga na ulit ako at pinagpatuloy ang pag-iiscroll sa fb. Maya maya pa ay bigla nalang nagtext sakin sa fb si yuri. Yes, friends kami sa fb. Noon nya pa 'ko inaddfriend

Yuri:

Hi!

Agad naman akong nagtipa

Me:

Hello yuri! Kumusta ang lakad nyo? Nakauwi na kayo?

Wala pang sampung segundo ay nagreply sya ka-agad

Yuri:

Hindi pa kami nakauwi. We're still in my grandparent's house

Me:

Ows really? Maganda ba dyan?

Yuri:

Yes, super! Medyo malapit lang sa dalampasigan. Dalhin kita dito pag may time. My grandparents would love to meet you, zean. Naikwento kasi kita sakanila

When He Met Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon