Chapter 21 : Unwanted Visitors

139 11 11
                                    

Note: grammatical errors ahead

Alodia's Point of View.

Ilang araw ang lumipas at napapansin kong mas naging close sila zean at yung yuri. Naging kaclose nadin ni yuri sila mav dahil nga medyo talkative ito at nakakasabay sa mga kalokohan nila. Naging close nadin kami ni yuri kaya palaging nagseselos si jace kasi baka daw mag-kagusto si yuri sakin na imposible naman

Ilang araw nadin yung lumipas ng magsimulang manligaw si jace sakin. Palagi syang nag-eeffort na pasayahin ako at pakiligin din

"hey, what are you thinking hmm?" biglang tawag sakin ni jace kaya napatingin ako sakanya

"you" nakangiting saad ko at nakita ko namang napaiwas sya ng tingin

Kinikilig hahaha

"kinikilig ka na naman" pang-aasar ko sakanya

"because you're always making my heart fluttered, alodia" seryoso nitong saad at ako naman ang napaiwas

"your blushing"

Inirapan ko lang sya at pinagpatuloy yung pagbabasa ng libro dahil break time namin ngayon at hindi papasok yung dapat na next lecturer namin

Bigla namang pumasok sa room si Tyron at lumapit ito sa gawi namin

"bro, tawag tayo sa dean's office" saad nito at tumango lang si jace

Hinalikan ako ni jace sa noo bago umalis kasama si tyron. At sakto namang pumasok sila zean na may ngisi sa labi

"ang sweet ah! May pahalik-halik pa sa noo" pang-aasar na saad ni zean at umupo sa tabi ko

Kasama din nila si yuri

"someone's so inlove huh?" nakangising saad nanan ni yuri kaya inirapan ko lang sya

"san nga pala kayo galing?"

"sa lugar kung saan walang love birds"

Napairap nalang ako dahil sa pang-aasar nila at pinagpatuloy na lamang ang pagbabasa ng libro

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng libro at pag-uusap nila ay nakarinig kami ng ilang pagsabog sa labas kaya nagsigawan na yung mga kaklase namin

"omg! Anong nangyayari??"

Sumilip ako sa bintana at nakita kong nagtatakbuhan yung mga estudyante at nagsisigawan din

"ilabas nyo si oliveros kung ayaw nyong pasabugin ko ang skwelahang ito!!" rinig kong sigaw ng kung sino. Mahihimigan sa boses nito ang pagbabanta

"babaeng anak ng mga oliveros, lumabas ka dyan kung ayaw mong may madamay na iba!!"

Malalim akong bumuntong hininga at tumayo. Hahakbang na sana ako ng may pamilyar na boses akong narinig

"Attention to all student! Please stay on your room and don't leave. Pumasok kayo sa mga room nyo at isirado nyo ang pinto. We'll gonna fix this" saad ni jace sa speaker

Napalunok ako dahil sa sunod na sinabi nya

"and to alodia, please don't leave in the room. Don't you dare get out and face them."

"alodia" pagtawag ni zean sakin habang umiiling-iling pa

"don't go" mahina nitong saad

"i need to, zean. Ayokong may madamay na iba dahil ako lang naman ang kailangan nila"

Nginitian ko lang sya at lumabas ng room. Bago pa man ako makalabas ng room ay narinig ko pa ang mga sigaw nila

When He Met Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon