Note: Grammatical Errors Ahead
Ikaw lang
Alodia's Point of View.
Pagkatapos ng ilang linggo naming pananatili sa korea ay bumalik na kami sa pilipinas. Actually, isang buwan kaming nanatili sa korea. Madami kaming ginawa doon at sa korea ko din cinelebrate ang birthday ko. I celebrated it with my family and friends and of course with my boyfriend too
Nung sabado pa kami nakauwi at lunes na ngayon. Ngayon ang unang araw ng pasukan at ngayong araw din magsisimula ang college journey ko
Iba na rin ang uniform na susuotin ko dahil nga college na ako. Ng matapos akong mag-ayos at magbihis ay isinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko at bumaba na.
"oh ija, aalis kana?" tanong ni manang lucy nang makasalubong ko sya
"opo manang" sagot ko naman ka-agad
"kumain kana ba ija?" tanong nya ulit at tumango lang ako
Ngumiti sya ngunit bigla syang natigilan at para bang may natandaan. Mabilis syang nawala sa paningin ko at maya maya pa ay bumalik sya na may dalang paper bag at mukhang may laman ito
"ano po ito manang?" takang saad ko matapos tanggapin ang paper bag na inilahad nya
"luto yan ng anak ko ija, adobo. Paborito nya rin iyan. Nakwento kasi kita sakanya at naisipan nyang magluto at ibigay ito sayo. Masarap iyan ija, magaling magluto ang anak ko" nakangiting saad nya at napa 'o' naman ang bibig ko
Tiningnan ko ang nasa loob ng paper bag at nakita ko doon ang isang tupperware na may lamang kanin at adobo. Napangiti naman ako
"pakisabi, salamat po dito manang" nakangiting saad ko at nakangiti naman sya tumango
Nagpaalam nako sakanya at pumunta na sa garahe kung saan nakapark ang sasakyan ko. Pagkadating doon ay agad akong pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot na ito
Pag kadating sa school ay agad kong pinark ang kotse ko sa parking lot. Kinuha ko yung paper bag at lumabas na
Hahakbang na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng bag ko
Napangiti ako ng makita ang text ni jace
Jace:
"are you still at home love? I'll wait for you in school. Love you"
Nagreply naman ka-agad ako
Me:
"nope, i'm in school already"
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag ko ng bigla itong tumunog ulit at nag pop-up sa screen ang name ni jace. Nag message sya.
Jace:
"look in front"
Napatingin naman agad ako sa harap at nakita ko si jace na naka tayo sa harap ng gate at kumaway sya sakin
Ngumiti ako at kinawayan din sya. Ibinalik ko muna sa bag ko yung phone at naglakad papunta sa direksyon nya
Pagkadating sa pwesto nya ay agad ko syang ginawaran ng mabilis na halik kaya napa-awang ang bibig nya
"woah, can you do it one more time?" saad nya ng mahimasmasan sya. Tinawanan ko lang sya at naunang naglakad papasok sa gate
Ng makadating kami sa building ng section ko ay agad naming na-agaw ang atensyon ng mga estudyante sa room at sa ibang estudyante din
Lahat sila ay nakatingin samin at may iba namang nagbubulong-bulungan
"pumunta kana sa building mo at baka malate kapa" mahinang saad ko habang naka titig sa sa sahig. Hindi ako makatingin ng diretsyo sakanya dahil sa hiyang nararamdaman
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Completed)
RomanceStatus: Completed [Prompt] Paano kung pagtagpuin ng tadhana ang isang taong misteryoso at ang isang taong matuturing na ordinaryo ngunit may hindi pangkaraniwang kakayahan? Paano kung sila ay salungat ng pagkatao? Sila kaya ay magkakasundo? Ang la...