Note: You might encounter some grammatical errors ahead.
Tw: Abuse
Their plan
Third Person's Point of View.
Two years had passed. They live a normal life, without a fear that people might find out their true identity because it was already hidden.
As years passed, camila and clarisse seems to be close now. They were seen together. It's obvious they are friends now. But little did camila know, clarisse is just using her. She is using her to destroy alodia and jace's relationship. She want alodia to suffer.
And she did everything to destroy their relationship but she failed. And she was planning something on alodia. No one knows, only her and camila. Because it was their plan.
Alodia's Point of View.
["Gale, where are you?"] tanong ni amara. I was talking to her on the phone.
Nasa mall ako ngayon dahil bumili ako ng alarm clock. Luma na kasi yung alarm clock ko at minsan ay hindi na gumagana kaya bumili ako ng bago
"Nasa mall. Pauwi nako. Bumili lang ako ng bagong alarm clock" saad ko
["Oh, okay. Akala ko naman kung nasan ka, nasa mall ka lang pala. Bilisan mo ha"]
"Oo na" saad ko at binaba na yung tawag
Pagkatapos ay ibinalik ko na sa bulsa ng pants ko yung cellphone. Habang ibinabalik sa bulsa yung phone ko ay aksidente kong nabitawan yung cellophane kung saan naka silid ang alarm clock na binili ko. Pupulutin ko na sana ito pero may biglang nagtakip ng bibig ko at bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo. Unti-unting dumidilim ang paningin ko, hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari
Nagising nalang ako na nakaupo sa upuan at nakatali ang mga kamay sa upuan
Nasa harap ko sila camila at clarisse. Nakakrus ang mga kamay nila sa dibdib habang nakatingin sa 'kin. Walang ka emo-emosyon ko lang silang tiningnan
"You shouldn't have came on jace's life. It should have me who's his girlfriend if you didn't came!" saad ni camila
She was really so desperate. Kaya pati ang pagkidnap sakin ay nagawa na rin nya.
"Kahit ilabas mo man lahat ng hinanakit mo camila, nothing will change. Akin parin si jace" nakangising saad ko
Natagilid ang ulo ko dahil sa malakas na pagsampal nya sakin.
"Magiging akin din sya, alodia. Mababawi ko din sya mula sayo"
"Bakit mo babawiin? Iniwan mo diba?"
Nakatanggap ulit ako ng malakas na sampal mula sakanya. Dahil sa lakas ng pagkasampal nya ay dumugo ang gilid ng labi ko at nalasahan ko ang dugo
Nakita kong naglabas sya ng kutsilyo mula sa bulsa nya at bigla syang lumapit sakin. Nagpumiglas ako pero bigla nya akong sinikmuraan kaya napaubo ako
Madiin akong napapikit ng bigla nyang sinugatan yung kanang braso ko gamit yung kutsilyong hawak nya
May bigla nalang sumipa sa upuan kaya tumilapon ako. Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa pwesto ko. At bigla ay sinipa ako nito ng napaka lakas kaya nagpagulong-gulong ako sa sahig
May lumapit ulit sa pwesto ko at pinag sisipa ako. Hindi ako nakapalag dahil nakatali yung kamay ko sa bangko. Sinusubukan ko paring matanggal yung tali sa kamay ko
Hinayaan ko syang pagsisipain ako at nang matanggal ko yung tali sa kamay ko ay agad kung sinipa yung tao na nasa harap ko. Agad akong tumayo
Lalaki pala ang sumipa sakin. Kaya pala malakas ang pagkakasipa sakin.
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Completed)
RomanceStatus: Completed [Prompt] Paano kung pagtagpuin ng tadhana ang isang taong misteryoso at ang isang taong matuturing na ordinaryo ngunit may hindi pangkaraniwang kakayahan? Paano kung sila ay salungat ng pagkatao? Sila kaya ay magkakasundo? Ang la...