Special Chapter 3 : Zean and Yuri's Break-Up
ESHAINA ZEAN SALVADOR
My relationship with yuri was fine and happy not until that day comes.
***
"Uh, grey, nakita mo ba si yuri?" pagtatanong ko kay grey. Sya ay isa sa mga kaklase ni yuri.
Kanina ko pa kasi tinatawagan si yuri pero hindi sya sumasagot sa tawag ko. Ilang beses ko na din syang tinext pero hindi sya nagrereply kaya naman ay pumunta na ako sa room nila. Total ay lunchbreak naman
"Ay si yuri? Nasa music room ata. Sabi nya kanina pupunta daw sya sa music room kasi may kikitain. Akala ko ikaw yung kikitain nya?" pagkasabi nya nun ay bigla akong kinabahan
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam nalang ako ng kaba.
"Ah sige salamat" saad ko sakanya at agad na umalis
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang papunta sa music room. Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit sa music room
Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tila may kausap
Nagtaka ako dahil biglang tumahimik ang sa loob kaya unti unti kong hinawakan ang door knob. Kahit nagdadalawang-isip ay pinili kong buksan ang pintuan pero sa di inaasahan ay nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nakita
Yuri...He was kissing a girl..
"Z-zean.." gulat napagbigkas nya sa pangalan ko
Dahil sa pagkahulog ng cellphone ko ay napatingin sila sa gawi ko.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong naestatwa. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng gilid ng mga mata ko
"z-zean..l-let me explain"
Ang muling pagtawag nya sa pangalan ko ay nagpabalik sakin sa wisyo. Walang pag-aalinlangan akong umalis sa harap nila at tumakbo papalayo
Natigil ako sa pagtakbo ng biglang may humawak sa braso ko
"Z-zean please...p-please let me explain.." he begged. But i didn't listen to him and instead, i slapped him hard.
Wala akong pakialam kung may mga nakatingin na samin at nagbubulong-bulungan.
"T*ngina yuri! Do you expect me to listen to you after what you have done?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako. Nagsimula ng tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa mga mata ko
"Pero sige. Hahayaan kitang mag-explain. Now explain. Bakit? Bakit mo yun ginawa? Bakit yuri..."
"I-i'm...sorry.."
"Sorry? Yan lang ba ang explanation mo? Sabihin mo sakin yuri! Sabihin mo sakin kung bakit nagawa mo kong lokohin?!" tuluyan nang nabasag ang boses ko. Hindi ko narin mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko
"I..i accidentally fall inlove with her, zean. I'm sorry...i'm sorry"
Para bang sinaksak ng libo-libong kutsilyo ang puso ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko inakalang mahuhulog sya sa iba. I thought...i thought my love was enough. Kulang pa ba ang pagmamahal na ibinigay ko sakanya?
"Kailan pa? Kailan pa yuri?"
"L-last month.."
I disappointedly looked at him. Last month pa? Last month pa pala..
"Last month pa pala? And you chose not to tell me? Mas pinili mong magsinungaling at makipaglandian dyan sa babae mo kaysa ang sabihin sakin ang totoo? T*ngina naman yuri! Maiintindihan ko pa kung sana sinabi mo! Minahal kita ng sobra, yuri. I gave it all to you. My time! My love! Everything!! Kulang pa ba yung pagmamahal ko? Bakit...bakit mas pinili mong lapitan ang bawal?"
Hindi sya nagsalita at nanatiling nakatingin ang mga mata nya sakin.
Kung panaginip man ang lahat ng to. Please lang! Gisingin nyo ko... I don't like this dream...please wake me up..
"You could have just avoided her, yuri. Sana iniwasan mo na lang sya.."
"I tried to...but my heart acts the other way.."
"Anong silbi ng utak mo, yuri! Mas pinili mong sundin yung puso mo kaysa sa isip mo. Na kahit alam mong bawal, pinili mo parin. Mahal mo ba talaga ako?"
"I did, zean. I did"
He DID. Minahal nya ako. Minahal nalang.
"You knew the moment you entertained her, you were already cheating, yuri. Hindi mo man lang ba ako naisip? Did you ever think of our relationship? Mas masarap ba syang humalik kaysa sakin? Mas malambing ba sya kaysa sakin kaya nagawa mo 'kong ipagpalit sakanya?"
"No! It wasn't like that.."
"Then ano?! Was i not enough for you, yuri?"
"..."
"I thought..i thought you will never hurt me. But i guess i'm wrong."
"I never regretted choosing you, yuri. But i regretted loving you while you were already loving somebody else." huling saad ko bago tuluyang umalis sa harapan nya
Umaasa akong hahabulin nya ako. Umaasa akong ako ang pipiliin nya. Pero mukha hindi na talaga. Wala na. Tapos na.
Ang mga huling salita ko ang nagpapahiwatig na tinatapos ko na kung anong meron samin.
I knew him for two years. I loved him for two years. But he chose to love the person whom he just met, month ago. It hurts like hell, that he choose her...over me. The girl who loves him more than her life but end up losing everything. Even her life.
***
(WHMH)
-yourshygel
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Completed)
RomanceStatus: Completed [Prompt] Paano kung pagtagpuin ng tadhana ang isang taong misteryoso at ang isang taong matuturing na ordinaryo ngunit may hindi pangkaraniwang kakayahan? Paano kung sila ay salungat ng pagkatao? Sila kaya ay magkakasundo? Ang la...