Note: Grammatical Errors Ahead
She's Interesting
Alodia's Point of View.
KINABUKASAN ay sabay parin kaming pumasok ni jace sa school. At habang naglalakad papasok sa entrance ng school ay magkahawak ang aming mga kamay. May iilang estudyante na napapatingin sa gawi namin at may iilan ding nagbubulong-bulungan
Nang makapasok kami sa gate ay may biglang tumawag kay jace kaya pareho kaming napalingon
"Good morning jace!" masiglang saad ni camila at biglang hinalikan si jace sa pisnge kaya napamura ng mahina si jace
Napairap nalang ako at nagtuloy sa paglalakad at nakita ko naman na agad na sumunod si jace. Napairap ulit ako dahil nakita kong nakakapit si camila sa braso ni jace
Hindi pa ako nakakailang hakbang ng narinig kong may tumawag sa pangalan ni camila
"camila!" pagtawag ng isang matangkad na lalaki sa pangalan ni camila at nakapamulsang naglakad papunta sa gawi nila camila
Nakita kong napatingin yung lalaki sa gawi ko kaya nagtama ang mga mata namin pero agad din syang nag-iwas ng tingin. Nakita ko namang napakunot ang noo ni camila habang tinitingnan ang lalaki
"it's nice to see you again, love" Nakangising saad ng lalaki
"what are you doing in here nathan?"
Napakunot ang noo ko ng malumanay ang pagkakasabi ni camila sa lalaki
"i'm here to study, and to see you too"
"kung nandito kalang para sundan ako, pwes bumalik ka na sa spain. Wala kang mapapala sakin" malumanay paring saad ni camila
"why are you treating your boyfriend like that, camila?" rinig kong tanong ni jace kaya napatingin ako sakanya at sa lalaking nag-ngangalang nathan
Ah, boyfriend.
"He's right, camila. Aren't you happy to see me?"
Hindi sinagot ni camila ang lalaki at inirapan nya lang ito
"jace, let's go." pagtawag ko kay jace dahil naiinip nako sa panonood sa kanila
Agad namang sumunod sakin si jace at ng makalapit si jace sakin ay pinagkrus nya ang aming mga kamay at nagsimula syang maglakad at sumunod lang ako sakanya habang nakatingin sa likod nya
Nathan's Point of View.
Nakapamulsa akong naglakad papasok sa entrance ng papasukan kong university. Ng makapasok ako ay namataan ko si camila kasama ang isang lalaki at isang babae
Sa hindi malamang dahilan ay nakuha ng babae ang atensyon ko kaya tinitigan ko ito nang maigi. Matangkad, may kaputian ang kanyang balat. Ang mahaba nyang buhok na naka lugay, ang kulay kayumanggi nyang mga mata, ang matangos nyang ilong at higit sa lahat. Ang mapula nyang labi
Sa tingin ko ay mas matangkad ako kaysa sakanya dahil mas matangkad ang lalaki sa tabi nya.
Hindi ko na malayan na kanina ko pa pala pinagmamasdan ang babae. Umiling-iling ako at naglakad papalapit sa gawi ni camila
"camila!" pagtawag ko sa pangalan nya ng papalapit na ko sa gawi nila
Muli akong napatingin sa gawi ng babae ngunit agad ko ding iniwas ang tingin ko dahil biglang nagtama ang mga mata namin. Ibinalik ko na lamang ang paningin kay camila
"it's nice to see you again, love" nakangising saad ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay kaya mas lalo akong ngumisi
"what are you doing in here nathan?" malumanay na tanong ni camila at pinagkrus nya ang mga kamay sa kanyang dibdib
"i'm here to study, and to see you too" nakangising sagot ko sa tanong nya
Wala syang ipinakitang reaksyon at walang emosyon lang na nakatingin sakin
"kung nandito kalang para sundan ako, pwes bumalik ka na sa spain. Wala kang mapapala sakin" malumanay parin nyang saad
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita yung lalaking kasama nya
"why are you treating your boyfriend like that, camila?" nakakunot ang noong tanong nito
Napansin ko namang napatingin yung babae sa lalaki at maging ako ay tinapunan nya din ng tingin
"He's right, camila. Aren't you happy to see me?" nakangisi paring saad ko ngunit hindi nya ako sinagot at inirapan nya lamang ako
"jace, let's go" pagtawag ng babae dun sa jace dahil mukhang naiinip na sya kakapanood sa nangyayari
Oh, jace. I see. That's jace. It's him.
Lumapit naman ka-agad si jace sa babae at hinawakan niya ang kamay ng babae at nagpaunang lumakad at sumunod lang sakanya ang babae
Si camila naman ay mabilis na umalis sa harap ko at sumunod doon sa dalawa. Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan ang babae
That girl. She's interesting. Hmm. I guess i have another reason to stay here in the philippines and to study in this university huh
Alodia's Point of View.
PAGKATAPOS ng first class namin ay dumiretso agad kami sa cafeteria. At nung pinuntahan ako ni jace sa room namin ay nakasunod na naman sakanya si camila pati narin yung lalaki kanina na kinausap ni camila
Pagkadating namin sa cafeteria ay naabutan namin doon sina zean, yuri at ang iba pa na kumakain. Mukhang nauna sila na pumunta dito
Pagkadating sa pwesto nila ay umupo na kami sa bakanteng upuan. Inilabas ko na ang lunch box na binigay ni jace sakin kanina na sya mismo ang nagluto ng pagkain na nasa loob ng lunch box. Sabi nya ay nagpaturo daw sya sa mommy nya na magluto
"nag-effort talaga si kuya na lutuin yang paborito mo, gale!" nakangisi at nang-aasar na saad ni zean
Nginitian ko lang sya at nagsimula ng kumain
"so, are you guys in a relationship together?" biglang saad nung nathan at nahagip naman ng mga mata ko ang palihim na pag-irap ni camila na katabi lang nung nathan
"yes" tipid lang na saad ni jace at hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki
Nakita ko naman ang pagngisi nung nathan at pagbaling ng tingin nito kay camila. Tinaasan lang sya nito ng kilay at inirapan pa. Imbis na mainis sa ginawa ng babae ay natawa pa sya
"I see. I guess you are both sweet to each other? How sweet of him, wanted to learn how to cook for you" nakangising saad nung nathan at para bang sinasadya nyang sabihin ito para mang-inis
"right! Sweet talaga sila sa isa't isa. Kaso minsan nakakaurat din kasi ang landi-landi"
Napailing nalang ako dahil sa huling sinabi ni zean
Hindi ko na pinansin ang pagchichikahan nila at pinagpatuloy na lamang ang pagkain ko
____________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Completed)
RomansStatus: Completed [Prompt] Paano kung pagtagpuin ng tadhana ang isang taong misteryoso at ang isang taong matuturing na ordinaryo ngunit may hindi pangkaraniwang kakayahan? Paano kung sila ay salungat ng pagkatao? Sila kaya ay magkakasundo? Ang la...