Chapter 48

57 3 0
                                    

Note: You might encounter some grammatical errors ahead.

Tw: gunshots, mention of accident

(Saturday)

Alodia's Point of View.

Nandito kami ngayon sa reception hall ng isang hotel kung saan gaganapin ang birthday ng kapatid ni kalix. 18th birthday kasi ng kapatid nya at ininvite nya kami. 3:00pm mag-iistart yung party kaya 2:00 pm palang ay pumunta na kami ka-agad sa hotel.

Navy blue ang theme ng party kaya naka blue dress ako, pati nadin sila mav. Lahat ng nandito ay nakablue suit. Blue rin ang color nung cake pati yung gown ay malamang blue din.

Sobrang dami ng tao na nandito. May mga relatives nila kalix ang nandito pati narin yung mga friends ng mommy at daddy nya. Ashianna's friends were here too. Ashianna is Kalix's younger sister. Her full name is Ashianna Dane Montefalco. Actually tatlo silang magkakapatid. Kalix was the oldest, ashianna was the second oldest and Xylene was the youngest. Kalix was 20 years old, Ashianna just turned 18 today, while Xylene was 14 years old.

Habang naghihintay sa table namin ay biglang lumapit yung mommy nila yanna and kalix sa pwesto namin.

"Hiro, Zean! I'm glad you guys came! By the way, is this kalix's other friends, right?" saad nya. Ngumiti naman si zean at tumango-tango

"Yes tita, they are kalix's friends too" nakangiting saad ni zean.

"Oh, i'm glad you guys came!"

"Syempre naman tita! Baka kasi mag tampo kayo pag hindi kami makakapunta. Tsaka baka magtampo rin si yanna. Pinaalala pa naman nya samin last week yung tungkol sa debut nya"

Dahil sa sinabi ni zean ay mahinang natawa yung mommy ni yanna

"I wouldn't mind naman kung hindi kayo makakapunta because you guys are busy, but i'm glad that you are available right now and you are able to attend my daughter's debut"

"Buti nga tumapat sa sabado tita Hahahaha"

"Oh by the way, i forgot to introduce myself, i'm Scarlet, you can call me tita scarlet. I'm kalix's mom" pagpapakilala ni tita samin

Bumaling naman ang tingin nya sakin. "Oh, is this gale? You are hiro's girlfriend right?" saad nya kaya nagulat ako

Hindi ko alam na kilala nya pala ako.

"Nakwento ka sakin ni hiro last time nung pumunta sya sa bahay. He told me alot about you. And i'm really shocked to how beautiful you are, ija" saad pa nya. Nahihiya naman akong ngumiti sakanya at nagpasalamat

"Bagay na bagay kayo nitong si hiro, i hope your relationship together will last long. Don't forget to invite me on your wedding huh? I'll make sure to attend"

Bigla namang namula yung mukha ko sa sinabi nya. Hindi ko pa nga naiisip yung kasal tapos sya ay naisip na nya. Hindi ko sya sinagot at ngumiti lamang ako

Nagpaalam na sya na pupuntahan nya muna daw yung ibang bisita.
Bago nagsimula yung party ay nagdaos muna ng short prayer para sa debutante. After ng prayer ay bumukas ang pinto at pumasok doon si yanna na nakasuot ng navy blue long gown na may white sparkles. Nakasuot din sya ng necklace. Blue high heels din ang suot nya. Simpleng bun ang hairstyle ng buhok nya at may mga hairstrand na nakababa. May naka escourt sakanya na isang lalaki. I think pinsan nya yun. Inalayan niya si yanna papunta sa stage.

Napaka elegante ng suot nya ganon din yung party nya. Talagang pinaghandaan toh nang maigi ng parents nya.

Ng makaakyat sila sa stage ay biglang tumunog yung piano instrument. May taong umakyat sa stage at binigyan yung lalaki ng isang blue rose na agad namang kinuha ng lalaki. Actually, i think the rose was not a real blue, i think they just dyed it with blue color.

When He Met Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon