Note: You might encounter grammatical errors ahead
Traumatized
Zean's Point of View.
"Oh..my..god.." hindi makapaniwalang saad ni mav sa sinabi ko
Kinabukasan kasi ay sinabi ko sakanila na nililigawan nako ni yuri at sinabi ko din sakanila na pareho naming gusto ang isa't isa
Sila mav maliban kay riley ay nagulat
"Grabe, si yuri pala magiging end game mo ze!" komento naman ni ris
Sila mav at ris ay mukhang mas masaya pa kaysa sakin. Daig pa nila ako dahil sobra silang kinikilig at tumitili pa
"Ang iingay nyong dalawa" natatawang saad ko
"Pero di nga? Debut kana sa pagiging tanga ze? Himala ah"
Hindi ko sinagot si mav at inirapan ko na lamang sya. Kaming pitong mga girls lang ang nandito sa classroom. Actually pinapunta ko silang pito dito dahil nga sasabihin ko yung tungkol samin ni yuri. Wala si gale dahil malamang, kasama nya si kuya at nagbebe time ang dalawang iyon
Kakatapos lang ng first class namin at break time namin ngayon kay may free time ako. Gayun din siguro sila dahil nakapunta nga sila dito sa room. Imposible namang nagcutting class ang mga toh
Dahil nagugutom ako ay pumunta kami sa cafeteria. Maliit lang kasi ang kinain ko kasi late ako nagising at kung kakain pako ng matagal ay siguradong malelate na ako ng pasok
Hindi pa man kami nakakarating sa cafeteria ay nakita namin si kuya at gale at mukhang kausap nila si camila
"Everyone! As you haven't know, this girl, was once a crazy woman!" rinig kong malakas na sigaw ni camila
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya
Walang sinabi si gale at nanatili lamang syang tahimik
Kinuyom ko ang kamao ko at dali daling lumapit sa direksyon nila
"Ano na naman bang pakulo toh, camila." saad ko ng makarating ako sa pwesto nila
"Oh hi, zean. You're just on time! Do you know that this girl" saad nya at tumigil pa at binalingan ng tingin si gale
"Had already visited a psychiatrist. And i found out that she was a crazy woman before. Minsan na syang nabaliw! I cannot believe jace love her huh!"
Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinagsasabi nya
Magsasalita na sana ako ng magsalita syang muli
"And i heard that, his brother died because he took his own life. Maybe, he cannot bare to have a crazy sister or maybe, she's abusing or hurting him kaya nagpakamatay sya"
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong binalingan ng tingin si gale.
What camila said was a lie. Her brother did not die because of a suicide. But i did not know what's the reason of her brother's death either
Napasinghap ako ng biglang sinampal ni gale si camila. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makitang umiiyak si gale
"How dare you! You're really crazy!" malakas na sigaw ni camila matapos syang sampalin nang napakalakas ni gale
"Camila, stop it!" pagsusuway pa ni kuya pero hindi man lang natinag si camila at masama paring nakatingin kay gale
"Alam mo? Sana nga, sana nga suicide nalang yung dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko! Kasi, kasi pwede ko pa syang maligtas. Pero tangina hindi eh! Wala akong nagawa! Wala akong nagawa para iligtas sya! Kasi kung suicide lang yun? Maliligtas ko pa sya! Mapipigilan ko pa sya!"
BINABASA MO ANG
When He Met Her (Completed)
RomansStatus: Completed [Prompt] Paano kung pagtagpuin ng tadhana ang isang taong misteryoso at ang isang taong matuturing na ordinaryo ngunit may hindi pangkaraniwang kakayahan? Paano kung sila ay salungat ng pagkatao? Sila kaya ay magkakasundo? Ang la...