25 - Repentance

6.5K 184 69
                                    

Time check: 2:05 AM. >___<

Masaya na ba kayo? Ayan nag-update na ako haha! Thanks sa mga patuloy na nagtyatyaga at nagbabasa! Mwah!

Comments please? 'Yung mahaba naman para matuwa ako at mag-update ulit ako. XD

Si Lala nga pala 'yung nasa picture pero may sakit na siya niyan.

-Kazumi

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

25 - Repentance

Deborah's POV

Shit! Shit! Shit! Anong nangyari?! Bakit naputol 'yung tawag?!

"Angel, please sagutin mo." Tinry kong tawagan ulit si Angel pero hindi ko na ma-contact ang number niya.

After kasing i-announce ni Lala na engaged na sila ni Silver ay 'di ko na nakausap nang maayos si Angel. Naririnig ko lang sa kabilang linya 'yung boses niya na umiiyak and if I'm not mistaken, tumatakbo siya. And then ayun, puro sasakyan na 'yung narinig ko tapos biglang naputol.

Shit! I'm really worried!

Naguguluhan ako kung ano ang uunahin ko. Kung kakausapin ko ba si Silver o hahanapin si Angel.

Pero in the end, mas pinili kong hanapin muna si Angel.

Pero wait, saan ko naman siya hahanapin? Sa bahay nila? Aish! Hindi naman 'yun uuwi eh!

Habang nag-iisip ako kung saan pumunta si Angel ay biglang may tumawag kaya sinagot ko agad.

"Hello?"

("D-deborah,")

Huh? Bakit bigla siyang napatawag?

"Rienn? Umiiyak ka ba? Nasaan ka?"

Kung hindi ako nagkakamali ay nandito rin siya sa party kanina kasi may koneksyon 'yung business nila sa business nila Lala. Hindi lang kami nagkita dahil na rin sa dami ng tao.

"Rienn? Anong problema?"

("S-si Angel...si Angel, may masamang nangyari sa kanya.") sabi niya habang patuloy na umiiyak.

Ano?!

Huminga ako nang malalim bago ko tanungin kung nasaan siya ngayon. Kasama niya daw ang nanay ni Angel ngayon sa ospital at sinabi naman agad niya kung saang ospital iyon.

Shit! Ano ba talagang nangyari kay Angel?!

Pagpunta ko sa ospital ay hinanap ko agad ang emergency room. Sa tapat niyon ay nandoon ang mama ni Angel pati na si Rienn.

"R-rienn, what happened?" Nang makita ko ang mukha niya ay puno ng luha ang mata niya at parang naintindihan ko na kung ano talagang nangyari.

"Sinundan ko siya kanina pero...napabayaan ko siya. Kasalanan ko 'to eh, ang bagal bagal ko kasi. Nabunggo siya dahil sa kapabayaan ko. Hindi dapat siya nag-aagaw buhay ngayon."

Nag-aagaw buhay?

"N-nasagasaan siya?"

"Kasalanan ko 'to..."

Paano nangyari 'yun? Kausap ko lang siya sa phone kanina.

"This is really my fault."

Niyakap ko siya nang mahigpit, "Sshhh...wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan, okay? Magdasal na lang tayo na sana maging maayos din siya."

Pero kahit ako ay 'di ko mapigilang umiyak. Hindi ko matanggap ang nangyari.

Silver's POV

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon