11 - Don't mess with Silver

6.9K 191 19
                                    

11 - Don't mess with Silver

"D-deborah?" Nagulat ako nang makita ko siya sa labas ng bahay. Anong ginagawa niya dito atsaka paano niya nalaman ang bahay namin?!

"Mukhang gulat na gulat ka."

"P-paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"That's a secret." Paano kaya niya nalaman 'yun?

"Eh anong ginagawa mo dito?"

"Well, may ibibigay lang naman ako sa'yo."

"A-ano 'yun?" Pumalakpak siya ng dalawang beses at may lalaking pumunta sa harapan ko. Buhat buhat niya ang isang kahon.

"That's for you, my friend. I just wanted to make sure na talagang pupunta ka sa birthday ng pinsan ko."

"Pupunta naman talaga ako. Diba nasabi ko na sa'yo 'yun?"

"Well, that's good. Abangan na lang kita doon. And also, siguraduhin mong makakapunta si Silver ah?"

"H-hindi ko alam sa kanya." Kahit na sinabi na sa'kin nung lalaking 'yun na sasamahan niya ako.

"Pleaseee? Akala ko ba you will help me?" Help? Wala naman akong sinabi ah? "Diba friends tayo? Dapat tinutulungan mo akong ilapit sa kanya."

"Uhh...ano..."

"Hmp! Bakit ganyan ka magsalita?!"

"W-wala, sige papasok na ako sa loob."

"Sige na nga! Bye na! Magpapa-foot spa pa ako eh!" Kumaway siya sa'kin bago siya sumakay sa van.

Talagang pumunta pa talaga siya dito para lang ibigay sa'kin 'to.

"Ano kayang laman nito?" Kumuha ako ng cutter at sinira ko 'yung kahon.

Huh? G-gown?

Isang eleganteng gown na kulay white. Para saan 'to?

Teka, may letter...

Angel,
Don't thank me so much for this. Binili ko 'to para suotin mo sa party ni Rienn and gusto ka niyang makita na maganda. Pretty, right? Kapag hindi mo 'to sinuot magagalit ako sa'yo. Okay? -Deborah

Binili niya pa ako nito? Haaay... I appreciate it pero bakit ginagawa niya ito para sa'kin?

"What's that?"

"Ay pusa!" Napatingin ako sa may pinto, "Anong ginagawa mo dito, Silver?! Paano ka nakapasok?!"

"Nakabukas 'yung pinto." Malamang.

"Tsk! Kakasuhan kita ng tresspassing eh! Pasalamat ka wala sina kuya at mama dito!"

"Good. Makakapagsolo lang tayo." Ayan na naman 'yung ngisi niyang kakaiba.

"Tigilan mo ako!" Inirapan ko siya.

"Para saan 'yang gown?"

"Bigay 'to sa'kin ni Deborah... Suotin ko daw sa party ni Rienn. Ayaw niya siguro akong mag-abala na bumili."

"Susuotin mo?"

"S-siguro. Binili niya 'to para sa'kin eh." Kinuha niya 'yung gown at nagtaka ako kung bakit tiningnan at kinapa niya 'yung loob. "A-anong ginagawa mo?!"

"Ibalik mo 'to sa kanya."

"Bakit?"

"Kapag sinuot mo 'to, magkakaroon ng mga pantal ang likod or worse, magkakaroon ka ng rashes."

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon