13 - Library
"Please go on a date with me." Paulit-ulit sa utak ko ang mga sinasabi ni Rienn at parang hindi ako makapaniwala.
Kailan pa siya nagkagusto sa'kin?
"Uhh..."
"Angel, anong sagot mo? Sabihin mo sa akin para malaman ko. Pero sana bigyan mo ako ng chance."
Patawad pero...mahal ko si Silver.
"R-rienn, I'm sorry..."
Sandali siyang napatigil. "S-sorry for what?"
"Uhh...kasi...ano...uhmm...hindi ako makikipag-date sa'yo. H-hindi ko masasabi kung anong dahilan pero...sorry talaga."
"Pfftt--" Nakatungo lang siya kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya.
"Rienn?"
Kasabay ng pagtawag ko ay ang paghagalpak ng tawa niya. "Hahahaha!"
What is wrong with him?
"S-sorry, Angel! Hindi ko lang kasi napigilan!" Sabay pahid ng luha niya sa mata dahil sa katatawa. "Binibiro lang naman kita eh! Hindi ko naman akalain na seseryosohin mo 'yun! Wala naman talaga akong gusto sa'yo."
Ha?
"Ibig sabihin...pinagtitripan mo lang ako?"
"Yeah. Nabo-bored kasi ako eh."
What?! "Eh gago ka pala eh! Hindi nakakatawa 'yung biro mo!" Gusto ko siyang batukan ngayon pero hindi ko magawa kasi madaming tao.
Pero nakakaasar talaga siya!
"Oo na, sorry na. Wag ka na magalit. Birthday ko pa man din ngayon."
"Pasalamat ka talaga kasi birthday mo ngayon!"
"Edi salamat." Nakangiti pa itong lalaking 'to. Hay nako! Buti na lang at hindi totoo 'yung sinabi niya. Hirap na ako sa page-explain eh.
"Hatid na muna kita sa table."
"Bakit?"
"Pupunta lang ako sa CR."
"Okay."
Rienn's POV
Nandito ako sa CR. Nagkukunwaring naghuhugas ng kamay everytime na may pumapasok na ibang tao. Atsaka dito muna ako. Tahimik dito at walang istorbo.
Gusto ko pa lang siya pero nasaktan agad ako. Ganito pala ang feeling 'pag ni-reject ka. Paano pa kaya kung inlove na ako?
Darn it!
"What are you doing here?"
Nagulat ako nang pumasok ang pinsan ko.
"Ako dapat ang magtanong niyan. What are you doing here? CR 'to para sa mga lalaki!"
"Don't worry, wala namang ibang tao. So, pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?"
"Tsk." Kasasabi ko lang kanina na walang istorbo pero meron pa pala.
"Mukhang masaya ka kanina habang kausap mo siya. If I'm not mistaken, tumatawa ka pa. Am I right?"
"Anong paki mo?"
"Wow. Mukhang badtrip ka ah. Nagkamali yata ako ng akala. Rejected?" nakangisi niyang sinabi.
Isa pa 'to. Nakakaasar din 'tong pinsan ko eh.
"So what?! Atleast magkaibigan pa rin kami. Eh kayo?"
May ipinakita siya sa'kin na papel, "I got his number."
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...