22 - 4Variety

4.4K 122 10
                                    

22 - 4Variety

Deborah's POV

Friday na agad. Nandito ako sa hallway at hinihintay ang una kong klase. Hindi ko alam kung nasaan si Angel kaya ako lang ang mag-isa ngayon.

Kinuha ko 'yung tablet ko at nag-open muna ako ng fb. May free wifi kasi sa BRU kaya pwede kang mag-internet anytime.

"Kilala mo ba si Silver Montenegro?" Napatigil ako sa pagta-type nang marinig ko ang pangalan nung lalaking 'yun.

"Yup. 'Yung engineer student? Narinig ko 'yung pangalan niya dati kaya sinearch ko siya sa fb, in-add ko pa nga siya kasi super gwapo niya kaso ang dami nang nag-add sa kanya."

"Ako rin, crush na crush ko 'yun."

"Pero may girlfriend na 'yun diba?"

"Oo, si Lala? 'Yung engineer din. Ang ganda niya 'no? Bagay sila."

Tsk. Mali mali pa ang mga sinasabi. Nakakainis.

Pero wait, si Lala?

"Hindi, business ad 'yung course ng girlfriend niya. Pero hindi ko alam kung anong pangalan nung babae."

"Huh? Pero bakit may kumakalat na kasama daw ni Silver si Lala sa cafeteria? Silang dalawa lang daw."

Cafeteria?

"For example, may boyfriend ka,"

"Uh huh. And then?"

"Nahuli mo siyang may kasamang ibang babae, nag-uusap sila. Nakaupo at nakatambay lang sa cafeteria, anong iisipin mo?"

Hindi kaya...'yun 'yung tinutukoy ni Angel last week nung nasa cookie shop kami ni tita?

Dahil sa na-curious ako, lumapit agad ako sa kanila at agad silang nanahimik.

"Excuse me, totoo ba 'yung sinabi mo na magkasama si Lala at si Silver?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

WOW.

"Can't you see? Nag-uusap kami. Bakit bigla bigla kang sisingit?"

I rolled my eyes heavenwards.

Her name is Katie, classmate ko nung highschool at ka-block ko ngayong 2nd sem. Isa rin siya sa mga inuutusan at binu-bully ko dati pero nanghingi na ako ng tawad sa kanya. Pero gaya nga ng iba, naging masama din siya sa'kin.

"Nagsabi ako ng 'excuse me', narinig mo naman siguro?"

"Duh! I don't care."

Nakakapikon na talaga ha!

"Kapag hindi ka pa umayos ng sagot, ipapalumpo kita sa mga tauhan ni dad." Pinanlisikan ko siya ng mata at mukha namang natakot siya pati na ang kasama niya.

"N-narinig ko lang naman eh. H-hindi ko sure kung magkasama nga sila."

Ano ba 'yan!

Pero kung totoo nga, bakit naman nakikipag-usap si Silver doon sa babaeng 'yun? Ako nga itong kaibigan niya minsan lang kausapin eh. Tapos 'yung babae pang 'yun?

Something's fishy. I need to figure it out kung anong pinag-usapan nila as soon as possible.

Lunch break. Pinagtanong ko sa mga ka-block ni Silver kung nakita ba nila siya pero hindi daw nila alam kung nasaan.

Kaya no choice ako kundi si Lala ang hanapin ko.

I know na hindi tamang makialam ako pero bestfriend ko si Angel. Oras na malaman kong niloloko lang siya, ako ang makakaharap nila.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon