Simula

17.6K 323 17
                                    

Simula

"Let's break up."

'Yun na yata 'yung pinaka masakit na salita na narinig ko sa kanya. Nasanay akong araw-araw niyang binabanggit sa'kin ang salitang 'I love you' at kasunod niyon ay 'Angel ko' pero nagulat ako nang bigla niyang sabihin sa akin 'yun.

5:33 ng hapon, umuulan. Nasa ice cream parlor shop ako ngayon na madalas naming pagtambayan. Tinext niya ako kanina. Sabi niya, may importante siyang sasabihin sa akin. Ang weird nga eh. Bakit kailangan niya pa akong i-text kung magkikita naman kami sa bahay nila? Pauwi na rin nga sana ako sa kanila kasi kailangan ko pang gawin 'yung trabaho ko bilang katulong tapos bigla niya akong itinext. Ano kaya 'yung importante kuno na sasabihin niya?

"Lilipat na kami ng bahay," 'Yun ang una niyang sinabi sa'kin makalipas ang ilang minuto. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaseryoso kaya medyo kinabahan ako.

"Saan naman?"

"S-sa Maynila,"

"Seryoso ka? Wag mo nga akong lokohin,  Silver. Sipain kita dyan."

"I'm serious,"

Ayun, doon ko lang napagtanto na hindi niya talaga ako niloloko. Ang seryoso ng tingin niya sa'kin tapos ako hindi ko alam kung saan ako titingin.

"E-eh ano naman kung lilipat kayo ng maynila? Edi sasama ako. Nagtatrabaho kaya ako sa inyo."

"Hindi ka papayagan ng nanay mo. Masyadong malayo ang Maynila dito. Hindi namin alam kung makakabalik pa kami dito."

"H-hindi na kayo babalik?"

"I'm not really sure pero malaki ang possibility na hindi na kami makabisita dito."

Natulala ako. Parang ayaw pumasok sa utak ko nung sinabi niya.

"Kelan?"

"N-next month?" sabi niya habang hindi nakatingin.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko akalain na magkakalayo pala kami ni Silver. Masyadong malayo ang Maynila dito sa lugar namin kaya imposibleng makabisita siya lagi sa akin araw-araw. For sure, mahihirapan siya sa pagbyahe.

"Ang bilis naman. B-bakit biglang nag-decide si tita Lory?"

"Ewan. Siguro kasi magtatayo si dad ng business doon."

"G-gan'on ba?"

"I'm sorry,"

"H-hindi, okay lang. Naiintindihan ko. College pa lang naman tayo, magkikita din tayo kapag nakapagtapos na tayo pareho."

Nginitian niya lang ako pero alam kong pilit iyon.

'Yung mga sumunod na araw, medyo okay naman 'yung pagsasama namin. Napansin ko lang na parang nawawala na 'yung pagiging pilyo niya at minsan, hindi na siya gaanong tumatawa. Hindi ako sanay na ganito ang pagsasama namin kaya one day, kinausap ko siya.

"May problema ba? Bakit pansin ko lately, lagi kang matamlay?"

"Ah wala. Ge, alis muna ako. Dota muna kami ng tropa ko."

Isa pang nakakapagtaka 'yun. Hindi naman siya marunong maglaro ng dota at wala din siyang masyadong tropa kasi palaaway siya eh. May sarili din naman siyang computer kaya bakit kailangan niya pang lumabas? Silver, bakit ganyan ka?

1 week bago sila lumipat, iba na talaga ang pakikitungo niya sa'kin. Napansin din iyon nina tita Lory at tito Grey pero hindi nila kami inistorbo. Kapag sinusubukan kong lambingin si Silver, biglang parang nag-iiba 'yung mood niya. Ginagawa ko ang lahat pero wala pa rin. Nami-miss ko na 'yung dating Silver na makulit at childish. Hindi bale ng may pagka-manyak uli siya, wag lang ganito.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon