10 - Invitaion Card
"Silver!!!" Packing tape! Ayaw magpreno ng lalaking 'to! Kanina ko pa siya hinahabol eh!
"O-oy Silver! Ano ba?!" Finally naabutan ko siya sa subdivision. Kandaripas na nga ako ng takbo pagbaba ko ng jeep. Pawis na pawis tuloy ako. Buti na lang naharangan ko agad 'yung sasakyan niya.
"Alis dyan."
"Bakit mo ba ako hindi pinapansin ah?! Tumakbo na nga ako papunta dito tapos papaalisin mo lang ako?!"
"Tabi dyan, Angel." Ano ba naman 'tong lalaking 'to?!
"Sumosobra ka na ah! Kanina ka pa! Hindi na talaga ako natutuwa! Kausapin mo ako ng maayos!"
"Gusto mo ba talagang magpakamatay?"
Napipikon na ako sa seryosong mukha niya. Kanina pa 'yan! "Syempre hindi 'no! Gusto ko lang makipag-usap! Hindi mo ba na-gets?!"
"Pwede naman tayong mag-usap pero bakit kailangan mong humarang sa daraanan ng kotse ko?"
"...ha?"
Napatingin ako sa paligid ko.
Oh no. Nakakahiya. Nakatingin ang mga tao sa'kin. And worse, ganito pa ang pose ko. Para akong naglalaro ng patintero.
"Ah--eh g-gan'on ba? A-ha-ha! S-sige hihintayin na lang kita sa labas ng bahay niyo!" Tumakbo na agad ako papasok ng bahay. Buti na lang hindi na gan'on kalayo mula doon sa kinapupwestuhan namin kanina.
"Nakakahiya talaga. Mukha akong tanga. Kainis!"
After kong magbihis at magsuklay ay lumabas na agad ako ng bahay. Nakita ko na agad siya doon sa may tapat ng bahay na nakatayo at naka-pamulsa.
Sabi ko ako ang maghihintay eh pero siya pa pala ang naghintay sa'kin.
"Uhh...Silver,"
"Doon tayo sa may playground." Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa playground. Pumunta kami sa may puno at sumandal doon.
"Anong sasabihin mo sa'kin?"
Eh? Ano nga ba?
Itatanong ko kung bakit 'di niya ako pinapansin? Kaso baka isipin niya naman na...ang kapal ng mukha ko. Hindi naman kami magkaanu-ano eh. Hindi rin naman kami friends diba?
Haay!!! Ang gulo!
"Ano...galit ka ba sa'kin?"
"...hindi."
"Ah..." Ano ba 'yan! Parang biglang naging awkward.
"May itatanong ka pa?"
"...ano...bakit parang wala ka sa mood? May nakaaway ka ba or...?"
"Wala naman..." Nye. Hindi ko siya maintindihan. "Nag-aalala lang ako kay lolo."
"Huh?"
"Sinugod na naman kasi siya sa ospital eh. Heart attack na naman. Ang sabi ng doktor napagod daw ng husto kaya nagkagan'on."
'Yun naman pala ang dahilan eh. Akala ko galit siya sa'kin dahil sa nakita niya kanina sa rooftop.
"Hindi ko maintindihan. Akala ko ba...wala na 'yung lolo mo?"
"'Yung lolo na kinukwento ko ngayon ay si lolo Lance. Siya 'yung tatay ni dad. At ang kapatid ni lolo Lance ay si lolo Trace na siyang tumigil at namatay sa Korea. Mas matanda si lolo Trace sa kanya. Naikwento sa'kin ni dad na hindi daw pumunta si lolo Trace sa kasal noon kasi nga tutol siya."
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...