15 - Surprise
"Ma, eto na 'yung mga pinabili mo sa'kin. Buti na lang nakatawad ako sa ibang gulay. Ang mamahal na kasi ngayon." sabi ko habang inaabot ko kay mama 'yung mga pinamili ko kanina sa palengke.
Lunes ng umaga. Holiday ngayon kaya wala kaming pasok. Inutusan ako ni mama na bumili ng mga gulay at ng ibang pagkain. May plano kasi kaming maghanda ngayon kaya maaga kaming gumising para makapagluto.
"Ang kulit nga ni bunso eh. Nakikipagtalo pa doon sa mga tindera kanina." sabi ni kuya habang dahan-dahang ibinababa ang ibang plastic bag na may lamang pagkain. Siya 'yung isinama ko kanina sa palengke para magbuhat ng mga pinamili ko.
"Sinabi ko na sayong wag mo akong tatawaging bunso! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yun?!"
"Wala kang magagawa. Dalawa lang tayong magkapatid at ako ang panganay."
"Okay na, tama na 'yan. Tulungan niyo na lang ako dito." pagsingit ni mama sa'min. Buti na lang pinigilan niya kami. Baka kasi nabatukan ko na naman 'tong kuya ko. Wala kasi siyang dala, gusto niya yata lagi siyang nasasaktan. Ayoko naman kasi talagang tawagin akong bunso, para akong baby.
"Ma, salamat dito ha?" sabi ko habang pine-prepare ang mga karne.
"Saan?"
"Sa pagtulong mo. Kasi akala ko hindi ka talaga papayag."
"Ano ka ba? Simpleng bagay lang 'to. Syempre susuportahan kita atsaka para makabawi naman ako kahit papaano."
"Bakit sa kanya lang, ma? Dapat bumabawi rin kayo sa'kin." pabirong sabi ni kuya.
"Eh diba nga sinabi mong siya 'yung bunso? At ang bunso, pinagbibigyan." sabay tawa namin ni mama.
"Dapat pala ako na lang ang naging bunso."
"Haha. Hindi bagay sa'yo, kuya. Sino na lang pala ang magpo-protekta sa'kin? Diba 'yun 'yung promise mo?"
"Edi ikaw na lang 'yung mambubugbog ng mga nang-aaway sa'kin tutal mas malakas ka naman sa'kin kahit payat ka."
"Mahalay pa rin 'yun, ikaw ang lalaki eh." Magsasalita pa lang sana siya nang biglang tumunog 'yung doorbell.
"Teka, bubuksan ko--"
"Ako na, kuya. Bantayan mo na lang muna 'yung niluluto ko."
"Okay."
Sino kaya 'yung nag-doorbell? Bisita? Sinong bisita? Atsaka bakit naman kami magkakaroon ng gan'on?
Binuksan ko na 'yung pinto at nagtaka ako kung bakit siya nandito.
Rienn's POV
Haaay...buhay.
"Hindi ka ba sasama sa'kin?" tanong ng makulit kong pinsan.
Maaga pa lang pero nandito na agad siya sa bahay. Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero niyayakag niya lang pala ako sumama. Pupunta daw siya doon at kakausapin niya siya. Wala naman akong nararamdamang kakaiba at mukha namang nagsasabi siya sa'kin ng totoo kaya ayos lang sa'kin pero...
"Ayoko nga, hindi ako sasama. Ikaw na lang."
"Ah I see. Hindi ka pa rin pala--"
"Oo na, oo na. Umalis ka na, Deborah. Nabitin 'yung tulog ko dahil sa'yo."
"Hay nako. I pity you, Rienn. Two options lang naman ang pagpipilian mo. It's either mag-move on ka or tumuloy ka lang."
"Tsk. Wala akong paki sa buhay mo kaya wag mong pakialamanan 'yung akin." Nakakainis 'tong babaeng 'to. Ayaw pa umalis!
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...