18 - Princess
"Okay, guys, pwede na kayong umuwi." pagkasabing-pagkasabi nun ng aming president ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng room. 'Yun ang room para sa mga movie club members.
Dito kasi sa BRU, required sumali sa mga club. Hindi ko naman alam ang kung saan ako fit kaya sa movie club na lang ako sumali atsaka hindi naman masyadong active ang mga members namin tapos lagi pang wala ang president kaya hindi rin namin naasikaso nang mabuti ang club.
"Hindi pa kaya tapos sila Silver? Sabi niya, tatawagan niya ako." Ito na rin kasi ang last day para sa audition doon sa magiging members ng official band.
Medyo kinakabahan na rin ako.
"What's up?" May isang lalaking lumapit sa'kin at nginitian ako.
"Oy Rienn, ikaw pala. Saan ka nanggaling?"
"Ah doon sa ano...sa auditorium."
"Auditorium?" Bakit galing siya doon? May pinapanood kaya siyang kaibigan? Or kaklase?
"Oo, sumali kasi ako. Gusto kong maging guitarist ng banda."
"Talaga? Anong resulta? Diba ngayon na 'yung last day? Tapos na ba?"
"Oo eh," Napakamot siya sa ulo niya, "Uhmm...ako 'yung napili."
Nanlaki 'yung mata ko at 'di ko mapigilan ang tuwa, "WOW! TALAGA?! As in ikaw 'yung mag-gigitara sa banda?!"
"Uh huh,"
"CONGRATULATIONS! ANG GALING MO!" Pinalakpakan ko siya at napangiti siya sa ginawa ko.
"Salamat, Angel. Uhmm...gusto mo punta tayo sa ice cream parlor na pinuntahan natin dati? Ililibre kita. Minsan na lang tayo magkita eh."
"Ha? Uhmm..." Paano kaya ito? Nakakahiya naman kung tatanggihan ko uli siya.
'Pag tumawag na si Silver, saka na lang ulit ako babalik dito. Gan'on na lang.
"Sure."
♥~♥~♥
"Ah talaga?"
"Oo, ang sungit nga nung isang judge doon eh. 'Yung mommy ni Deborah? Grabe, sobrang kinabahan ako. Ang dami pa namang nanonood. Pakiramdam ko tuloy hindi ko saulo 'yung chords. Pero nung inisip ko si mom, nawala na agad 'yung kaba ko. Idol ko kasi 'yun, magaling din mag-gitara."
"I'm sure proud na proud sa'yo ang mommy mo. Uhmm...kelan nga ba ia-announce 'yung mga members?"
"Sa Friday tapos magpe-perform kami ng isang kanta. Bukas, ipapakilala na kaming lahat sa isat-isa."
"Ah gan'on ba?" Sana natanggap si Silver. "Goodluck sa inyo ha?"
"Salamat pero alam mo, napapaisip ako kung magugustuhan kami ng mga students lalo na 'yung mga lalaki."
"Bakit naman?"
"Kasi ang sabi sa'kin ni ma'am Lenia, isa sa mga judges, puro daw mga lalaki ang natanggap. Kahit isang babae wala daw."
"Gan'on ba?" Ibig sabihin, malaki ang chance na natanggap nga si Silver.
Hala! Bakit 'di pa rin siya tumatawa--
"Patay!" Shit! Puro missed calls na galing sa kanya. Bakit 'di ko man lang narinig?!
"Bakit? Anong problema?"
"Ano...salamat sa libre mo ha? Pero kailangan ko na umalis! Congratulations ulit!" Almost 30 minutes na kaming magkasama.
"Teka lang, Angel!" Kumaway na lang ako patalikod at mabilis na tumakbo.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...