First of all, I'm sorry dahil 'di ako nakapag update agad. Pasensya na talaga. Naging tamad lang si author at medyo busy rin naman dahil mahirap ang college life. Hopefully, may nagbabasa pa sana nito dahil ang next uodate ay Epilogue na! Yehey! Matatapos na ang story! 1 Update to go na lang ^___^
Comments naman dyan para kiligin ako. Hahaha.
---------------------------------------------------
26
It's been a week mula nang mangyari ang aksidente. Walang araw na pinalagpas sila Rienn at Silver sa pagbisita kay Angel. Nag-usap na din sila at kahit papaano ay magkaayos na silang dalawa. Kapag uwian o sa tuwing tapos na ang practice nila ay sabay lagi silang dumidiretso sa ospital.
"Mansanas akin. Iyo?"
"Grapes." sagot naman ni Silver. Bumili sila ng prutas para sa mama ni Angel. Naaawa na rin kasi sila dito dahil mag-isa lang lagi itong nagbabantay. Busy pa rin kasi ang kapatid ni Angel na si Cloud sa exams nito.
Pagkatapos bumili ay dumiretso na agad sila sa ospital. 6:30 na nang sila'y makarating pero balewala lang sa kanila ang oras.
"Hello po," Bati ni Rienn at inabot ang prutas na binili nila kanina.
"Salamat. Hindi pa ba kayo nagugutom?"
"Okay lang po. Mamaya na lang po kakain."
"Sige. Pwede bang maiwan ko muna si Angel sa inyo? Iche-check ko lang 'yung bahay."
"Sige po. Ingat po kayo. Gusto niyo po ihatid ko kayo?" pag-aalok ni Silver.
"Wag na, kaya ko naman. Oh paano ha? Kayo na muna bahala sa kanya. Mauna na ako sa inyo." Pagkatapos magpaalam ay umalis na agad ito. Ngayon ay tatlo na lang silang natitira sa kwarto.
"Anong oras nga pala pupunta ang pinsan mo?" tanong ni Silver habang nakatingin kay Angel.
"Hindi siya makakapunta ngayon. May kailangan daw siyang gawin."
Napatango na lang siya.
Tiningnan niya ang maamong mukha ni Angel.
Hindi na ito katulad ng dati dahil puro tahi at sugat ang mukha nito pero para sa kanya ay ito pa rin ang pinaka magandang babae para sa kanya.
Kahit ano man ang mangyari ay hinding-hindi magbabago ang tingin niya dito.
"Kinausap nga pala ako ni mama." sabi niya makalipas ang ilang minuto.
"Tungkol saan?"
Humarap siya dito at nginitian niya ito, "Basta ingatan mo si Angel, pre. Ikaw na mag-alaga sa kanya. Malaki ang tiwala ko sa'yo."
♥~♥~♥
Isang basket ng prutas ang nakita ni Lala sa tabi ng kanyang higaan sa may maliit na mesa. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya sa kaliwang bahagi niya si Deborah na nakangiti sa kanya.
"Paalis na sana ako kaso gising ka na."
"Anong ginagawa mo dito?"
Tumayo ito upang kumuha ng mansanas at ipinagbalat niya si Lala.
"Ano pa ba sa tingin mo? Syempre binibisita ka. Oh eto, kumain ka na." Inabot nito ang mansanas na siya namang kaagad na tinanggap ni Lala.
"Bakit dito ka dumiretso? Diba dapat kay Angel?"
"Kagagaling ko lang kahapon kina Angel. Atsaka masama ka bang bisitahin? Kaibigan naman kita ah."
Napangiti siya sa sinabi ni Deborah, "What if hindi ako nagkasakit? Magiging kaibigan pa rin ba kita?"
"Of course. Hindi naman ako gan'ong kasamang tao. And it's great na magkaroon ng kaibigan. So...why not? Diba?"
Kinagat nito ang mansanas bago magsalita, "Can I have a favor?"
"What is it?"
"Can you sing a song for me?"
Nanlaki ang mata ni Deborah pero makalipas ang ilang segundo ay natawa siya.
"Narinig mo na ba akong kumanta? Gusto mo bang masira ang eardrums mo?"
"I think it's not that bad. I don't care kung wala ka sa tono. Gusto ko lang may kumanta para sa'kin. Wala pa kasing nakakagawa nun sa'kin."
"Well...kahit ilang kanta pa gusto mo. Kahit mamaos pa ako dito, kakantahan pa rin kita if that's what you want."
Natawa si Lala sa sinabi nito, "Alam mo kung lalaki ka lang, baka nainlove na ako sa'yo."
"Hahaha no way. Sige, I'll sing a song na."
[play the video-->>]
~In your heart
I can see the rope
that has been tied to youYou've been hurting but
you do not know for whom
you're aching forThese little hands protecting you
Is all I want to do
So i close my eyes and
strongly wish upon
a falling star...In the night sky
are a thousand glowing star
I pray that someday
they will come shining down
upon your weary heartAnd with this song
I scatter the seeds of smile
I pray that someday
I would see the flowers bloom
with your laughter~Biglang pumalakpak si Lala matapos siyang kantahan ni Deborah.
"So...how's my voice? I-rate mo nga."
"Gaya ng sinabi ko, it's not that bad so I guess...I'll give you 5 out of 10."
"5?! So mean!" Hindi nila napigilan matawa dahil sa reaksyon ni Deborah.
♥~♥~♥
"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?" tanong ni Rienn makalipas ang ilang minuto.
"Mahirap...pero sa tingin ko...ito ang tama."
Tinap nito ang balikat ni Silver, "Babalitaan na lang kita tungkol sa kanya." pagtutukoy nito kay Angel.
"Salamat, pre."
Makalipas ang ilang linggo, nakapagpaalam na si Silver sa mga kaibigan niya. Nasa airport na siya kasama ang kanyang mga magulang na sinusuportahan siya sa kahit anong desisyon
niya. Pupunta sa ibang bansa at doon na maninirahan. Doon na rin mag-aaral si Silver at kahit mahirap ay ito ang naging desisyon niya.
"Anak, okay ka lang ba? Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo." sabi ng dad niya habang sila'y naglalakad papasok.
"Dad, ilang beses mo nang tinanong sa'kin 'yan. And honestly, hindi talaga ako okay." Napatigil siya at dahil doon ay napatigil din sa paglalakad ang parents niya. Hinarap niya ang magulang niya at sinabing, "Mahirap iwanan ang taong mahal mo. Alam niyo ba 'yung pakiramdam na parang namatayan ka? Masakit po syempre. Pero dahil may isip naman ako, alam kong mas makakabuti 'tong desisyon ko para sa aming dalawa. Bata pa lang naman kami. Sa totoo lang, marami pang pwedeng mangyari. Kung kami, kami talaga. Pero kung hindi, wala akong magagawa." Huminga siya ng malalim, "Sa ngayon, mas maganda kung magfocus na lang muna kami sa kanya-kanyang buhay. Mag-aral mabuti at nang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. Ayoko na rin muna guluhin ang buhay ni Angel. Hahayaan ko na muna siyang enjoy-in ang buhay niya at gan'on din sa'kin. At ang unang-una kong gagawin ay mag-adjust at magtiis. Sana matulungan niyo rin ako bilang magulang."
Biglang pumalakpak ang nanay niya sa tuwa, "Ngayon ko lang yata narinig 'yan sa'yo ah? Basta anak...nandito lang kami. Hindi ka naman namin pababayaan."
"Your mom's right. Natutuwa ako sa'yo anak kasi lalaking lalaki ka na. Ang matured mo mag-isip. I'm so proud of you my son. Hindi ka namin hahayaan ng mom mo."
Bigla siyang napayakap at 'di napigilan ang luha ngunit 'di niya na lang pinahalata.
"Thanks mom. Thanks dad. I owe you a lot."
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romantizm"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...