Natutuwa ako doon sa tawag niyo kay Lala. Lalalandi. Haha XD. Nung una kay Malan--Malandi tapos 'yung kay Lala naman XD.
-----------------------------------------------------------------------------------
20 - Cafeteria
Silver's POV
"Anak, papasukin mo ako." Napatayo ako nang biglang kumatok si mom sa kwarto ko.
Katatapos lang namin mag-usap ni Angel at gusto kong mag-sorry sa kanya. Nadala lang naman kasi ako doon sa pag-uusap namin ni dad tapos naasar din ako sa Rienn na 'yun, hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil.
Binuksan ko 'yung pinto at nagkunwaring bored, "Bakit, mom?"
"May problema ba?"
N-napansin niya?
"Para kasing malungkot si Angel nung nakasalubong ko siya kanina. Tulala pa nga siya eh kaya nabunggo niya ako. Nag-away ba kayo?"
"H-hindi po, misunderstanding lang."
"Ahh..gan'on ba?" Biglang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya 'to, "Hello? Bakit ka napatawag, Grey?...Ha? Bakit?...'Yun lang?...O sige, bye."
"B-bakit tumawag si dad?"
"Hindi daw siya makakauwi ngayon, dami daw kasing client na aasikasuhin."
"Ahh..." Baka siguro makikipag-usap siya kay mr. Montefalcon.
Buong gabi akong nakatitig sa kisame ng kwarto at hanggang umaga ay hindi ako nakatulog. Iniisip ko pa rin 'yung tungkol sa Lala na 'yun.
Hindi ako mapakali kaya nagbukas ako ng laptop kahit na 4:32 pa lang ng umaga at sinearch ko siya sa facebook.
Binuksan ko 'yung message at bumungad sa'kin ang tambak na mensahe galing sa kanya.
June 10, 2009
Hi po :)2009 pa? Ibig sabihin, kilala niya na ako noong 1st year pa lang ako?
June 13, 2009
Musta ka na po?June 14, 2009
Pansinin mo naman ako. Minsan ka na lang mag-online eh.June 20, 2009
Napaka snob mo naman. :(July 7, 2009
Nakita kita kanina sa school, ang cute mo maglaro ng basketball. :)July 19, 2009
Bakit tinatapon mo 'yung mga letters ko para sa'yo? Hindi mo ba alam sobrang pinaghirapan ko 'yun? Okay lang sa'kin kahit 'di mo pansinin, wag mo lang naman itapon :'(November 03, 2009
Nagkita ulit tayo. I mean, nakita ulit kita. Classmate kita pero never mo akong pinansin. Is it because of my physical appearance? Kailangan ko bang magpaganda? Or dahil wala ka lang talagang interes sa mga babae? Kinakausap mo lang kasi ako everytime na kailangan sa room like 'may assignment ba tayo?'.Classmate? Naging classmate ko siya?
Hindi ko maalala.
November 04, 2009
Kailan mo kaya ako mapapansin?November 10, 2009
Please, notice me kahit dito lang. Maghihintay ako.January 07, 2009
Kumakalat na 'yung balita sa campus. May pinapansin ka daw na babae. Is that true?January 13, 2009
Nagpahanap ako ng info about sa kanya. Angel pala. So, totoo nga. Hindi naman siya gan'on kaganda ah? Bakit siya pa?January 14, 2009
I forgot. Hindi rin pala ako maganda pero kaya kong ayusin ang sarili ko for you.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...