8 - Blackmail
"A-anong sabi mo, Silver?"
"I remember last year, tumawag si lolo kay dad. Siya 'yung binisita namin dati sa Korea kaya kilala ko siya. Strict siyang tao at lahat ng gusto niya dapat masunod. Ang sabi lang sa'kin ni dad, kailangan daw naming sundin ang kagustuhan ni lolo kahit na ayaw namin dahil kapag hindi, gagawin niya ang lahat mapaghiwalay lang sila ni mom. May galit daw kasi si lolo kay mom dahil hindi daw siya bagay kay dad pero wala na rin naman siyang magagawa kasi kasal na sila ni dad at anak na nila ako.
Unang kagustuhan ni lolo ay tumira kami sa Korea. Nainis agad ako nang marinig ko 'yun. Wala pang alam si mom tungkol doon kaya in-explain na sa kanya ni dad at parehas din kaming tutol pero sabi ni dad, kailangang sundin para sa kaligtasan ni mom. Posible kasing saktan siya ng mga tauhan ni lolo. Pagkatapos ay ilang araw ang nakalipas nun, nakakulong ako sa kwarto at biglang pumasok si dad, kinausap niya ako."
"A-anong sabi niya?"
"Tumawag na naman daw si lolo. Kailangan daw magmadali agad kaming lumipat para makilala ko na daw 'yung magiging fiancée ko. Nung una, hindi ko na-gets kasi bakit ako magkakaroon ng fiancee agad-agad at hindi ko alam? Pero in-explain niya sa'kin. Sa Korea, kapag 19 years old na ang lalaki at 16 naman ang babae ay pwede na silang ikasal. At ang babaeng magiging fiancee ko ay anak ng isang businessman. Kaibigan daw ni lolo 'yun at gusto niya akong ipagkasundo doon."
"P-pumayag ka na?"
"Hindi naman talaga ako pumayag. Wala lang akong choice kasi nag-aalala ako kay mom."
"A-anong nangyari?"
"Ayun, nagsinungaling ako sa'yo. Sinabi kong sa Maynila kami lilipat pero ang totoo ay sa Korea naman talaga. Pagkatapos, lumipat na kami nun sa Korea. Nagtalo pa nga nun 'yung parents ko eh pero sa huli, nagkasundo rin sila dahil sila din ang magkakampi.
Nakilala ko 'yung fiancee ko, mabait siya at inosenteng babae. Pero gaya ko, ayaw din niya sa plano ng lolo ko at parents niya."
Parang bigla akong naiinggit doon sa sinasabi niyang babae. Mabait at inosente...
"Isang araw, nabalitaan na lang namin na nasa ospital 'yung lolo ko. Sinagasaan siya ng karibal niya sa business."
"A-anong nangyari?"
"Bago siya mawalan ng buhay, humingi siya ng tawad sa amin. Ginawa niya lang daw 'yun para maging isa 'yung business nina dad at 'yung business ng dad ni Dohee, fiancee ko. And that's it. Bumalik kami dito. Mas gusto nina mom dito. At syempre, gusto ko ring bumawi sa'yo."
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ginawa niya sa'kin 'yun. Akala ko naging selfsh lang siya nun pero 'yun pala...inisip niya din ako. Nagpanggap siyang wala na siyang nararamdaman para sa'kin para hindi gan'on kahirap sa'kin kapag lumayo na siya.
Sa loob ng isang taon, ngayon ko lang nalaman ang dahilan.
"Angel,"
"H-ha?"
"Ang haba haba ng sinabi ko pero wala ka man lang sinabi. Nagtanong ka lang nang nagtanong."
"Ah--eh sorry,"
"'Yun lang?"
"Sorry kasi nagkamali ako ng akala sa'yo. Hindi ka pa rin pala nagbabago. Naging cool ka lang, hindi tulad dati na ang kengkoy kengkoy mo. Atsaka...thank you. Thank you kasi naisip mo pa rin ako noon kahit papaano. Ayos lang naman sa'kin na lumipat ka sa Korea kasi naiintindihan ko ang dahilan."
"Eh paano kung na-engage nga ako? Ayos lang din sa'yo?"
"H-ha?"
"Kung naging fiancee ko nga si Dohee, ayos lang sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...