dedicated to her kasi isa siya sa mga readers ko na talagang sumusuporta sa'kin. Hihi. Hello :)
----------------------------------------------------------------------
6 - Mall
"Friday na pala, ang bilis ng araw. Bakit nga pala hindi ka pa kumikilos dyan? May pasok ka pa diba?" tanong ni kuya sa'kin. Nakasalampak lang ako sa sofa namin habang nagbabasa ng libro.
"Wala akong pasok tuwing friday,"
"Ah gan'on ba? Parehas pala tayo. Oo nga pala, aalis ako mamaya. Sama ka?"
"Saan naman?"
"Pupunta ako sa mall, ibibili ko 'yung girlfriend ko ng regalo."
"Wow ha? First time ko lang yata narinig 'yan. Sasama ako pero ilibre mo ako,"
"Oo na, ganyan ka naman lagi." Sabi ko na nga ba hindi makakatanggi si kuya eh.
♥-♥-♥
"Hoy kuya! Bilisan mo! Ang bagal-bagal mo dyan! Para kang chix!"
"Oo, eto na!"
Napangiti ako nang makita ko siyang lumabas. Simple lang ang suot niya pero malakas ang dating. Polo shirt na kulay blue at maong pants naman sa baba. Balita ko eh ang dami daw nagkakagusto sa kanyang babae sa school nila pero napaka loyal niya sa girlfriend niya.
"Oh? Makatitig ka naman dyan,"
"Ang gwapo mo kasi kuya."
"Matagal na," Hinampas ko lang siya ng pabiro. "Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, kasama ko din nga pala 'yung kaibigan ko."
"Lalaki?"
"Oo naman,"
"Edi kung hindi pala ako sumama, mukha kayong nagde-date."
"Kaya nga niyaya kita kanina eh, baka mapagkamalan kaming bakla." May bumusinang kotse mula sa labas, "Oh ayan na yata siya, tara na."
"Agad-agad? Teka...kotse? Mayaman 'yung kaibigan mo?"
"Hmm..oo. Tara na," Nauna pa siyang lumabas sa'kin dahil sinaraduhan ko pa 'yung pinto. Pagkatapos ay lumabas na rin ako.
Wait, pamilyar sa'kin ang kotse na 'to ha?
"Kuya, kilala ko ba 'yung kaibigan mo?"
Biglang lumabas 'yung may-ari ng kotse habang nakatingin sa'kin.
Sinasabi ko na nga ba eh!
"Pre, sakto ka lang sa oras." sabi ni kuya.
"Kuya, hindi na ako sasama. Kayo na lang,"
"Bakit?"
"Basta AYOKO NA."
"Ha? Hindi na pwede. Kailangan mo akong tulungan kung ano 'yung magandang iregalo sa babae,"
"Eh bakit ba kasi siya pa?! Ang dami-dami mo namang kaibigan tapos siya pa ang pinili mo!"
"Nagpresinta siya eh. Atsaka tara na, wag ka na mahiya."
"Ayoko na, kayo na lang. And excuse me, hindi ako nahihiya. Ayoko lang talaga sa kasama mo."
"Hindi kita pwedeng iwan dyan. Baka bukas pa umuwi si mama. Tumawag siya sa'kin kanina, marami daw pasyente kasi may aksidenteng naganap."
Nurse kasi si mama kaya minsan ay hindi siya nakakauwi ng maaga.
"Eh kahit na! 17 na kaya ako!"
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...