17
"Yes! Yes! Yes!!!"
Naglalakad ako papunta sa auditorium nang makasalubong ko si Silver na nakangiti at tumatakbo palapit sa'kin.
Masayang masaya 'to ah? Ano kayang nangyari?
"Silver, pasensya na kung hindi ako nakapanood ah? Ngayon lang natapos ang klase namin."
"It's okay. Bumawi ka na lang sa susunod." Hindi pa rin nawawala 'yung ngiti niya.
Nagtaka na tuloy ako.
"Ano bang nangyari? Bakit parang wala ka ng bukas kung makangiti dyan?"
"Guess what?" Hmmm? "Pasok ako sa top 5!"
Ano daw?
Nanlaki 'yung mata ko dahil sa sinabi niya, "S-sigurado ka?"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, "Oo! Akala ko nga hindi eh kasi ang gagaling din nung ibang sumali pero in-announce 'yung pangalan ko kanina!"
"Oh my God!" Hindi ako makapaniwala! I'm so happy for him!
"Yeah, unbelievable. Sa sobrang dami ng sumali, I never thought na isa pala ako sa pinaka magaling na kumanta dito sa BRU."
Nag-cross arms ako at tinaasan ko siya ng kilay pero hindi na rin mawala wala ang ngiti sa labi ko, "Sigurado ka dyan ah? Isa ka lang sa top 5 pero 'di mo pa rin sure kung ikaw ang mapipili."
"You're very nice to me." sarkastiko niyang sinabi. "Pero sinisigurado ko na ako ang mapipili. I'll do my best."
"Nako, wag kang mag-yabang. Just do it."
At dahil kasali siya sa top 5, nag-celebrate kami. Pumunta kami sa MCDO at nilibre niya ako. Sabi niya, eat-all-you-can kaya nilubos ko na. Um-order ako ng fries, sundae, spaghetti, burger at chicken with rice.
"Grabe, hindi ka na naman siguro nag-almusal 'no?"
"Na-late kasi ako nang gising kaya kailangan kong magmadali."
"Lame excuse. 'Yan na lang lagi ang dahilan mo."
I rolled my eyes dahil sa kakulitan niya, "Oo na, nagtitipid pa rin ako. Wala kang magagawa."
Nilagay na namin sa table 'yung mga in-order namin at umupo na kami.
"Maybe I should tell my mom na dagdagan 'yung niluluto niya para pupunta na lang ako sa bahay niyo tapos ibibigay ko sa'yo."
"Hindi na kailangan. Lagi rin akong binibigyan ni Deborah ng kung anu-anong pagkain. Kahit na tanggihan ko, wala pa rin akong magawa kasi mapilit siya." Una kong kinain 'yung chicken with rice at gan'on din siya.
"My Angel!!!" Muntik na akong mabilaukan nang may yumakap sa'kin nang mahigpit.
Alam ko kung sino ang gumagawa nito sa'kin.
"D-deborah, anong ginagawa mo rito?"
"Aww, you sounded like you don't want to see me."
"H-hindi, nagulat lang ako." Sa gilid ng mata ko, pansin kong naka-poker face na si Silver. Naiinis siya kay Deborah kasi lagi daw siyang sumisingit sa usapan namin.
I trust Deborah, sigurado akong nagbago na siya. Ganito lang siya sa'kin kasi feeling ko sabik siya sa kaibigan.
Hindi kasi siya nagkaroon ng tunay na kaibigan.
"Mind if I join you? I'm alone kasi. Hindi ka naman magagalit diba, Silver?" Tumingin siya kay Silver pero hindi naman siya pinansin, "Yay! Thank you so much!" Maya-maya'y dumating na agad ang in-order niya at ipinalagay niya ito sa table namin.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...