14 - Lala Montefalcon
Lihim akong napatingin kay Rienn pero pansin kong kalmado lang siya.
Anong gagawin ko?
"Sinabi ko lang naman sa kanya na gusto ko siya. 'Yun lang."
"Ah gan'on ba? Anong sabi ni Angel sa'yo?"
"Well, it's none of your business. Nasagot ko na ang tanong mo. Angel, aalis muna ako. Next time na lang ulit tayo mag-usap."
"Ah s-sige,"
Pagkaalis na pagkaalis niya ay hinatak ako ni Silver. Alam ko nang mangyayari 'to.
"Anong sinabi mo sa kanya?"
"Wala!"
"Sigurado ka?"
"Teka nga, bakit ba parang ayaw mong maniwala? Ikaw nga 'tong nagbigay ng number mo kay Deborah eh!"
Napangisi siya, "Selos ka naman?"
"Che! Never!" Asar! Baka kung ano pa ang isipin niya sa'kin!
♥~♥~♥
"Yes! Buti na lang wala akong 3!" Napangiti ako sa grades ko. Nagsikap ako ngayong 1st sem kaya siguradong wala talaga akong bagsak.
Ngayon na kasi nilabas ang grades namin kaya medyo kinakabahan ako kanina pero okay na naman ako ngayon.
"Karamihan 1.00 ang akin. Eh ang iyo?" tanong sa'kin ni Silver.
"Ang yabang mo! Nalamangan mo lang naman ako ng konti kasi 'di ako masyadong nakapag-focus! Busy din ako sa bahay 'no!"
"Wala naman akong sinasabi atsaka nag-aral din naman ako."
"Nag-aral din ako!"
"Eh ba't nagagalit ka?"
"Wala!"
"Meron ka ngayon?"
Aba't hayop talaga 'to!!!
"Hindi ka na nahiya sa sinabi mo!" Piningot ko siya sa tenga kaya naman halos mapaigtad siya sa sakit. Ang bastos kasi! Matalinong bobong ewan lang.
"May nakalimutan akong sabihin."
Napatigil ako sandali nang magsalita siya, "A-ano 'yun?"
"Magsi-shift na ako ng course."
"Ha?"
Hindi niya na itutuloy ang Business Ad?
"Gusto ko mag-engineer, civil engineer."
"B-bakit ngayon mo lang naisip?"
"Ikaw lang kasi lagi nasa isip ko kaya sinundan kita. Pero na-realize ko na kailangan ko ding pagandahin ang future ko para sa ating dalawa."
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya o hindi. Nakakaasar kasi 'yung ngisi niya eh!
"Alam mo, kung gusto mo lang palang mag-engineer, wag mo na akong bolahin!"
"Seryoso ako 'no. Tara na nga, kain tayo sa labas."
"Wag ka nga umakbay sa'kin!"
"Sungit mo talaga. Magkaka-wrinkles ka niyan."
"Wala akong paki!" Inirapan ko na lang siya habang papunta kami sa kotse niya, "Ah oo nga pala, a-ako na manlilibre ngayon tutal ikaw na lang lagi gumagastos eh."
"Ha?"
"Ang bingi mo! S-sabi ko ililibre kita!"
"Sigurado ka?"
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)
Romance"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siya, I realized na hindi nawala 'yung feelings ko para sa kanya even though mas tumindi 'yung pagka-manyak niya. Story of Silver Montenegro an...