Parang gumuho ang mundo ko sa lahat ng nalaman ko mula kay
Jess.Talaga ba na kabit lamang si mama?
Na ako'y anak sa labas?
Hindi ko matanggap ang lahat ng katotohanan na ipinamukha sa akin ng taong itinuring ko isang matalik kong kaibigan.
Hindi ko kayang tanggapin na ang taong aking tinitingala mula pagkabata ay may itinatago pala sa aking isang malaking kasinungalingan na nang malaman ko ay parang sinaksak ng punyal ang aking puso at naging sobrang gulo ng aking isipan.
Hanggang sa makauwi sa amin matapos mabilisang tumakbo papaalis sa gitna ng pamamahiyang ginawa ni Jess sa akin ay patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha.
Parang binubudburan ng asin ang aking puso. Napakalalim ng sugat na likha ng katotohanan, na kahit pilit ko man na itanggi ay hindi ko pa rin kayang baguhin. Dahil iyon ang totoo.
Anak lamang ako sa labas.
At isa ako sa dahilan kung bakit galit at nasasaktan ang aking kaibigan.
Hindi ko ikakaila na naging mahalagang parte na siya ng aking buhay. Kahit pa sabihin natin na parang lahat ng nangyari ay kanyang planado.
Paano ko nasabi?
Dahil habang ipinapahiya niya ako kanina ay sumulpot ang walang hiya kung ex-boyfriend. Na napag-alaman ko rin ng siya palang magiging fiance ng taong lubusan akong sinaktan.
Nalaman ko na lahat ay parte ng kanyang paghihiganti sa akin.
Na noon pa man. Mula noong una akong tumupak sa paaralang iyon, ay alam na niya na ako ang anak sa labas ng kanyang daddy. Na sabi niya'y naging dahilan kung bakit naging miserable ang kanyang ina.
Nakasira pala ako ng buhay ng ibang tao ng hindi ko man lamang namamalayan. Hindi man dahil sa aking kagagawan, ngunit ang aking presensya sa mundong ito ang siyang naging dahilan.
Nasira ng sarili kung ina ang pamilya ng aking kaibigan.
Hindi ko alam kung ano pa ang aking maiisip tungkol dito. Sobrang sakit na parang hindi ko na ata kaya.
Gustuhin ko man na sumuko na lamang. Ngunit sa tuwing pumapasok sa isipan ko na may mga taong lumapaban para mabuhay at masilayan ang mundong ito ng matagal. Parang hindi ko kaya. Hindi maatim ng aking konsensya.
Lalaban ako. Hindi ako magpapasindak.
Madapa man ako ng ilang beses. Hindi ito ang katapusan.
Kailangan kong malinawan nang sa ganoon ay makaya ko na tanggapin ang lahat. Malaman ko kung bakit itinago nila ang lahat ng ito sa akin.
Kung bakit pinagkaitan kami ng kapatid ko ng katotohanan.
YOU ARE READING
Para sa mga nasaktan
RandomWhat if everything gets messed up? What if the perfect love you have was nothing but a big LIE? What if you always end up broken and shattered everytime you try to open up your heart again for someone? Would you still love again, or would you locked...