Chapter 2

15 2 0
                                    

"Oh, dala na ba nimo ang tanang kinahanglan nimong dal on nak?" paninigurado ni mama sa akin (dala mo na ba lahat ng kinakailangan mong dalhin, anak?)

"Opo naman po mama" taas noong sagot ko sa kaniya

"Ako pa ba mama. Eh girls scout ni imong anak mama noh" proud ko pang dagdag habang nakangiti sa kaniya

(girls scout ata itong anak mo mama)

"Ahahahaha girls scout daw si ate eh bisan og gipukaw ra ka ni mama kaganiha ningkalit lang ka og siyagit dayon ni duck, cover and hold." pang-iinis ng bubwit kong kapatid

(Ahahahaha girls scout daw si ate eh kahit nga ginising ka lang ni mama kanina bigla ka nalang sumigaw at nag duck, cover and hold pa.)

"Tss paghilom diha bubwit baka hindi kita matantiya eh batok ang abot mo sa akin." sagot ko habang nag-uumpisa na namang mainis sa kanya.

(Tss tumahimik ka diyan bubwit)

"Napakapikon nimo jud ate" tatawa tawang sagot ng bubwit nato

(Napakapikon mo talaga ate)

"Hmppp" ang tanging naisagot ko lang sa pang-iinis niya at baka kapag pinatulan ko pa ay hanggang saan aabot at nagpapasalamat rin naman ako sa kaniya dahil kahit papaano ay nabawasan ng konti ang lungkot ko sa pag-alis dahil unang beses ito na aalis akong hindi kasama si mama ang kapatid ko pero hindi ito ang unang beses na makakapunta ako sa Manila. Doon kasi ako ipinanganak noon kaya naman magaling akong magtalog. Lumipat lang kami sa probinsya noong limang taong gulang na si Jace at ako naman ay labing dalawang taong gulang na. At dito na kami nanirahan mula noon. Sa Bahay kami ni mama na minana pa niya sa mga magulang niya which was apparently, my grandparents sa mother side ko.

"Anak mag-ingat ka doon ha?" malungkot na ani ni mama at alam kong naiiyak na siya.

"Oo naman mama. Kayo rin ha, mag-iingat kayo rito" maluha luhang ani ko

"Ate mamimiss kita promise" malungkot na ring saad ng makulit kong kapatid habang nanunubig na ang mga mata, senyales na paiyak na ito

"Oo naman baby boy. Mag-ingat ka rin, huwag kang magpapasaway kay mama dahil nako talagang pipingutin ko yang ilong mo" saad ko dito na may halong pagbabanta

"Ate naman, hindi na ako baby. Big boy na kaya ako!" taas noong aniya habang nagpapakita ng imaginary muscles sa may balikat kayat natawa nalang ako

"Oo na." sagot ko nalang

"Nandito na po ang sasakyan mama. Aalis na po ako" sabay kuha ko sa mga bagahe na inilagay ko sa isang bench dito sa terminal ng bus

"Sige anak. Huwag kang makakalimot na tumawag pagnakarating ka na." aniya habang ibinibibay sa akin ang isang supot at pagtingin ko sa laman ay natakam kaagad ako

"Salamat mama rito sa adobo. Alam niyo po talaga ang paborito ko."

"Sige po. Aalis na po ako. I love you ma. I love you bunso." malambing ko aniya habang niyayakap silang dalawa at hinalikan sa pisngi

"I love you anak"

"I love you ate" sabay nilang tugon

Manila here I come!!!

Daddy mahahanap na rin po kita.

Isa sa mga dahilan kong bakit gusto kong bumalik ng Maynila ay para mahanap ko kung nasaan na si Daddy mula kasi noong huling kita ko sa kanya nong labing walong taong gulang pa ako ay hindi na siya nagparamdam sa amin. Kahit tawag at text ay wala manlang kaya gusto kong malaman kung ano ang nagyari bakit hindi na niya kami binalikan. Sabi kasi ni mama dito daw sa Maynila nagtatrabaho si Daddy kaya gusto ko siyang hanapin.

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now