Chapter 9

7 0 0
                                    

Bakit parang pakiramdam ko may hindi tama. Pakiramdam ko may mali sa mga nangyayari, hindi ko lamang alam kung alin sa mga ito. Para kasing hindi mapakali ang kalooban ko, iyon para bang may mangyayaring napakalaking bagay na tiyak ay mag-iiwan ng marka sa akin at sa mga taong kasali dito. Kumbaga calm after the storm.

Ewan ko. Baka napaparanoid lang talaga ako kaya't hindi ko maiwasang mag-isip ng ganito. Napakalalim.

Wala naman akong nakikitang problema sa pag stay ko dito Manila, wla rin namang problema sa pag-aaral ko dahil maayos naman ang mga nakukuha kong marka, wala rin akong problema sa mga kaklase ko, maayos naman kami ng best friend ko at maayos naman ang relasyon naming ni Nico. Hindi ko talaga alam kung saan galing ang pakiramdam na ito, may halong kaba at takot pero hindi ko mawari kung bakit at papaano.

Siguro'y tama ngang napaparanoid lamang ako.

"Hayyyy.."

Sa wakas ay natapos ko narin ang ipinapagawa sa amin ng aming prof.

Matutulog na muna ako dahil paniguradong marami pa kaming gagawin bukas sa klase lalo pa at malapit na rin namang matapos ang aming semester. 2nd semester to be exact.

Matapos ang mahaba habang diskusyon namin sa isang asignatura ay diretso akong lumabas ng classroom namin. Absent si Jess kaya't ako lang mag-isa ang naglakad papalabas.

"Asan na 'yon" matapos ko itong sabihin ay siya namang tunog ng aking cellphone, hudyat na may nagtext.

Nang tinignan ko ang screen ay napangiti ako ngunit nawala rin ito kaagad nang mabasa ko ang lama ng mensahe. Galing ito kay Nico, nagsasabing hindi niya ako masusundo dahil may importante siyang lakad.

Ayos lang naman sa akin na hindi niya ako masusundo dahil alam ko namang may mga bagay rin siyang kailangan gawin bukod sa pagsama sa akin at naiintindihan ko iyon. Hindi rin naman kasi sa akin lang umiikot ang mundo niya. May mga bagay rin na dapat niya munang iprioritize. Kaunting tampo lang ang nararamdaman ko.

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now