Chapter 3

15 2 0
                                    

Wala akong ibang ginawa buong biyahe papuntang sakayan ng barko kung hindi ang pagmasdan ang bawat magagandang tanawin na nadadaanan namin. Mabuti nga rin at sa tabi ako ng bintana nakapwesto, presko na ang hangin, nakikita ko pa ang magandang palayan ng probinsya namin.

Mamimiss ko ito. Mamimiss ko ang simpleng buhay dito sa probinsya, sa lugar na kinalakihan ko.

Hindi rin kalaunan ay dinalaw na ako ng antok.

Naalimpungatan lang ako ng maramdaman kung biglang tumayo ang babaeng katabi ko sa upuan at bumaba na ng sasakyan, doon ko lang rin namalayan na nakahinto na pala ang sinasakyan ko at pagtingin ko sa labas ng bintana ay namataan ko kaagad ang malaking nakalagay na Welcome to Dapitan sign sa di kalayuan.

"Naabot na man diay mi." mahina kong usal habang binubuhat isa isa ang mga dala dala kong bagahe

(Nandito na pala kami)

Pumara na kaagad ako ng masasakyang tricycle papuntang pantalan ng barko.

Double deck ang higaan dito at ang sa taas ang puwestong napili ko bukod sa mahangin ay malaya ko pang napagmamasdan ang malawak na karagatan at ang mga bituing nakakamanghang pagmasdan sa itim na kalangitan kapag gumabi na, at iyon ay kung hindi uulan ngayong gabi o di kayaý marami ang bituin ngayong gabi. Isa kasi akong asterophile. Mahilig ako sa mga stars. Ang ganda lang kasing pagmasdan ang mga bituin habang kumukutitap sa madilim na kalangitan, para silang mga fairies. Nakakagaan rin sa loob isipin na ang bituing aking tinitignan ay maaari ring ang mga bituing pinagmamasdan ngayon ni Daddy. At napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko ang mga panahon na sabay naming pinagmamasdan noon ang mga bituin at kinukwentuhan niya ako tungkol sa mga bituing iyon at kung paano ito maihahalintulad sa tao.

Natatandaan ko pa nga noong labing isang taong gulang pa lamang ako at tinanong ko sa kanya kung bakit may mga bituin na nahuhulog mula sa kalangitan at kung bakit rin may ibang mga bituin na tila kay liwanag kung ikokompara sa iba.

At ang sagot niya sa akin ay 'Alam mo anak, ang bituin ay parang tao rin lang. Minsan dumadating sa punto na nadadapa tayo at may mga pagkakataon din na matatawag nating our Greatest Downfall. Kung saan ay sobra na tayong nasasaktan at pakiramdam natin ay paunti unti ay hinihila tayo pababa. Paunti unti tayong nahuhulog, walang makakapitan. Hanggang sa makita nalang natin ang mga sarili natin na unti unting nawawalan ng pag-asa. Unti unting nawawala ang liwanag na nakapaligid sa atin at ang natitira na lamang ay kadiliman, walang hanggang kadiliman. Sa panahon na ito para tayong isang shooting star o kung tawagin ng iba ay meteors. We are falling little by little, we are not as bright as we are like before, like the other stars. Now we have a faint light. But even though we fall and becomes less brighter than before, we are still who we are and people who truly love us will help us out of that darkest moment in our life. They will serve as our light. And when we finally regain ourselves, we will shine more brighter than before and what happens to us will serve as a lesson and as a memory. A memory that we can look back into when we get older, and will remind us of the battles we have won because we have people who treasures us just like how people looks up at the stars and treasures it not on how it shines but on how it help us see the brightest thing called LOVE OF GOD.'

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now