Hindi ako pwedeng magmukmok lang dito sa loob ng apartment ko at magpakawasted dahil sa nangyari, he's not worth it! Patuloy ang buhay dahil hindi siya kawalan. Maybe I sound bitter, but that is my stand.
"People come and go, that's the reality you should know." pampalubag loob ko sa aking sarili habang naghahanda na sa pagpasok at pagharap sa panibagong yugto ng buhay.
Nang tuluyan na akong makapasok sa aming silid, ay nakahinga na ako ng maluwag. Inaamin ko, natatakot pa ako ngayon na makaharap si Nico, baka hindi lang iyong mga katagang binitawan ko noong nakaraang araw ang abot niya sa akin.
Pansin ko lang, parang ilap sa akin si bessy. Hindi niya kasi ako masyadong pinapansin, hindi nga niya ako pinansin kanina pa to be exact. Baka masyado lang talaga siyang busy o hindi rin niya talaga ako napansin, pero imposible rin dahil magkatabi lang naman kami ng upuan.
"Ahm. Jess may---"
"Sorry Althea may pupuntahan pa kasi ako. Mamaya nalang tayo mag-usap." pagputol niya sa dapat ko sanang sasabihin noong kinausap ko siya during breaktime namin.
"Ah sige. Mamaya nalang." ang naisagot ko nalang sabay bigay ng matipid na ngiti.
Pagtapos ay umalis na siya habang nagmamadali.
Habang tumatagal ay napapansin ko ang unti-unting pagbabago kay Jess. Pati nga ang pakikitungo niya sa akin ay biglaang nagbago. Malimit na rin siyang sumama sa akin dahil kadalasan ay sumasama siya sa iba pa niyang mga kaibigan sa kabilang course. Pero kahit anong mangyari, kaibigan ko pa rin siya. Kahit nagbago man siya, siya pa rin naman ang Jess na nakilala at naging kaibigan ko ng higit isang taon na. Kahit nga nasa 2nd year na kami, magkaibigan pa rin kami, wala namang nagbago.
"Althea. Feeling ko pinaplastic ka lang niyang si Jess o di kaya kinalimutan ka na dahil may bago ng mga kaibigan. Pareho pa niyang mga sosyal" isang araw ay narinig ko iyan mula kay Leah, kaibigan ko sa departamento bukod kay Jess.
"Ano ka ba naman Leah 'wag mo namang pagsalitaan ng ganyan 'yong tao." pagtatanggol ko kay Jess
"Eh kasi, pansin ko lang, ang laki na ng ipinagbago niyang bestfriend mo." pangangatwiran naman niya
"People changes for a reason, that's why don't judge them for nonsense reasons." may pangangaral na sagot ko sa kanya.
"Okay okay. Sige na nga, hindi na." may tunong pagsuko niyang saad habang itinataas pa ang dalawang kamay.
"Alam mo kasi Leah, mabait na tao iyang si Jess. Siya ang unang taong naging kaibigan ko dito sa school natin maging sa pagdating ko dito sa Maynila. Nagbago nga siya, hindi ko iyon ikakaila, pero naniniwala akong siya pa rin ang dating Jess na naging kaibigan ko at napamahal na sa akin. Kung makikilala mo lamang siya ng mas mabuti, alam kong magugustuhan mo siya. Baka nga maging bestfriend pa kayong dalawa. Proud akong sabihin na magkaibigan kaming dalawa gaya ng pagiging proud ko na naging kaibigan rin kita."
"Awwww. Ang sweet naman ng friend ko." nakangiting aniya
YOU ARE READING
Para sa mga nasaktan
AcakWhat if everything gets messed up? What if the perfect love you have was nothing but a big LIE? What if you always end up broken and shattered everytime you try to open up your heart again for someone? Would you still love again, or would you locked...