"Ang laki ng tiwala ko sayo."
- unknownPasilip: 1st Heartbreak
Ang tagal ko na ding naghihintay sa boyfriend ko dito sa loob ng starbucks pero wala pa rin siya hanggang ngayon. Dinaig pa ang babae sa tagal kumilos.
"Asan ka na ba Nick?" inip kong bulong sa sarili habang nakaupo dito't naghihintay pa rin sa kaniya.
Limang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siya
"Nakakainis naman!!!" hindi ko na talaga napigilang sumigaw sa inis.
Nang lumipas na ang isang oras na hindi pa rin siya dumadating ay nagdesisyon na talaga akong tawagan siya. Pero hindi ko pa man nagagawa ay may bigla nalang kumalabit sa braso ko at pagkalingon ko ay isang napakagwapo na mukha kaagad ang bumungad sa akin. At ang bango rin niya.
"Nick! Antagal mo naman ata?" tanong ko dito ng nakakunot na ang noo dahil sa hindi ako sanay na nalalate siya sa usapan namin. Katunayan nga niyan palagi siyang advance ng mga ilang minuto, kaya nagtataka talaga ako kung bakit natagalan ata siya ng sobra ngayon.
"I'm sorry Thea" ang salitang tanging namutawi sa kaniyang bibig habang hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Ano ka ba naman. Ayos lang iyon. Tar---" Hahawakan ko na sana siya sa kamay pero hindi ko pa man nagagawang tapusin ang sasabihin ko ay bigla na lang siyang umatras dahilan para maiwan sa ere ang kamay kong hahawak sana sa kamay niya.
"I'm really sorry Thea. I don't wanna hurt you.... pero hindi ko na kayang magsinungaling at magpanggap sayo." Usal niya na siyang nakapagbigay kaba sa akin sa kadahilanang parang hindi maganda ang ibig sabihin niya roon.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." usal ko habang nagsisimula nang manginig ang labi dahil sa nagbabadyang luha sa aking mga mata dahil parang hindi ko na magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.
"We're done Thea." Madiin niyang wika habang hindi pa rin magawang tumingin ng diretso sa aking mga mata.
Sa sinabi niyang iyon ay unti unting dinudurog ang aking puso at hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa sobrang sakit ng aking pakiramdam.
Bakit biglang nagkaganito? Akala ko ba masaya siya kapag kasama ako? Akala ko ba mahal niya ko?
"Akala ko ba mahal mo ko? Bakit nakikipaghiwalay ka ngayon?" Hindi ko na mapigilang itanong
"I also thought I loved you pero siya pa rin pala." saad niya habang unti unting naglalakad papalayo sa aking paningin
Hindi na nga ako minahal, nasa past tense pa ang salitang love. Nakakainis. Manloloko.
"Ang laki ng tiwalang ibinigay ko sayo. Paasa ka, gago!!!" Pasigaw kong saad at alam kong marami ang nakarinig non dahil nandito pa rin ako sa loob ng starbucks na pinaghintayan ko kanina sa gago kong ex. At ang lugar rin kung saan iniwan niya akong luhaan.
Patuloy lamang sa pagtulo ang aking mga luha. Ito ang kauna unahang heartbreak ko at hindi ko na alam kung mawawala pa ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"You can't really trust anyone that easily because even the people you trusted the most, can break you and left you in pain and in great lost."
YOU ARE READING
Para sa mga nasaktan
RandomWhat if everything gets messed up? What if the perfect love you have was nothing but a big LIE? What if you always end up broken and shattered everytime you try to open up your heart again for someone? Would you still love again, or would you locked...