Chapter 6

9 1 0
                                    

Mula noong araw na iyon ay nagkaroon na ako ng isang matalik na kaibigan. Dalawang buwan palang ang nakakalipas mula noong magsimula ang pasukan at siya ring araw na nakilala at naging kaibigan ko si Jess. Naging sobrang malapit ako sa kanya. Alam ko na rin ang kwento niya at ang tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang niya noong siyam na taon pa lamang siya. Ganoon na rin ang tungkol sa pag-aasawa ulit ng mommy niya. Naikwento ko na rin sa kanya ang tunkol sa buhay ko.

Sobra kaming naging malapit sa maikling panahon pa lamang na pagkakakilala namin at itinuturing ko na rin siyang isang pamilya, na masasandalan at mapagsasabihan ko ng mga problema.

Naging malapit na rin naman ako sa mga kaklase namin sa loob ng nakalipas na buwan kaya't hindi narin ako masyadong nababahala o di kaya ay naninibago.

Tuwing breaktime namin ay sa cafeteria o di kaya ay sa silid aklatan ang diretso namin kapag may mga ibinigay na advance study ang professor namin sa isang asignatura.

Masasabi kong kahit may kaunting lungkot ako naramdaman dahil namimiss ko na ang pamilya ko na na nasa probinsya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang eksaktong lugar kung nasaan si daddy ay mayroon rin naman akong sayang nararamdaman dahil narin nagkaroon ako ng kakampi at kaibigan sa katauhan ni Jess.

Ngayon ay nandito kami sa library ng school namin at naghahanap ng libro na naglalaman ng impormasyon na pwede naming magamit sa gagawin naming reporting.

"Althea, ayon iyong libro oh." tawag sa akin ni Mia na kaklase at kagrupo ko sabay turo sa pinakataas na bahagi ng shelf.

"Teka lang, kukuha muna ako ng upuan para matuntungan. Hindi ko kasi abot iyan eh" sabay alis ko at punta sa lalagyanan ng mga upuan

Pagkabalik ko ay agad ko na ring ipinuwesto ang upuan at tumuntong roon.

"Naabot mo na ba?" tanong ni Mia

"Teka lang" ang naisagot ko nalang dahil sa abala na rin ako sa pag-inat pa bahagya ng mga braso para maabot ang librong kailangan namin.

Malapit ko ng maabot ang libro ng bigla bigla ay gumalaw ang tinutuntungan ko na upuan.

Impit akong napatili ng kamuntikan na akong mahulog, pero nagtaka rin naman kaagad kung bakit nga ba hindi ako nahulog?

Doon ko lamang napansin ang mga brasong nakahawak sa akin at nakaalalay para hindi ako tuluyang mahulog at lumagapak sa sahig na talaga namang kahiya hiya.

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now