Chapter 4

10 2 0
                                    

Sa tagal na panahon na lumipas, nakabalik na rin ako sa lugar na ito. Magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman sa muli kong pagbabalik sa lugar kung saan ako isinilang.

Kasabay ng pagbabalik tanaaw ko sa mga alaala noong dito pa kami naninirahan ay ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Na nagpapakita kung gaano ko kagustong makabalik ulit rito. Kung paano ako nagsumikap na makakuha ng scholarship pagtungtong ko ng kolehiyo nang sa ganoon ay mabigyan ako ng pagkakataon na makabalik ng Maynila hanapin ang aking ama, na matagal ko ng gustong gawin ngunit hindi ko magawa dahil sa ayokong magtampo a magalit sa akin si mama kapag binanggit ko ulit ang pangalan ng lalaking iniwan kami at hindi na binalikan sa loob ng mahabang taon. Kahit may kaunti akong pagtatampo sa nangyari ay hindi ko parin maalis sa sarili ang mag-isip na maaaring may rason si daddy kung bakit hindi siya nakabalik. Baka mayroong nangyaring malaking problema o kahit anong rason na dahilan kung bakit ilang taon siyang hindi nakauwi. Hindi ko kayang isipin na tuluyan niya na kaming tinalikuran kaya gusto kong hanapin siya para maliwanagan ako, para na rin malaman ko ang totoo at hindi iyong paniwalaan ko na lamang ang sinasabi ng mga kamag-anak namin sa probinsya na kesyo baka daw hindi na bumalik pa si daddy dahil may iba na siyang pamilya o di kaya ayaw niya lang bumalik pa. Dahil naniniwala akong hindi magagawa ni daddy ang mga bagay na ibinibintang nila sa kanya na nagawang paniwalaan ni mama at ni Jace, hindi pa rin ako naniniwala at nagpapapaniwala. Kaya maging ang gagawin kong paghahanap kay daddy ay hindi ko ipinaalam kay mama dahil kapag nalaman niya ay magalit siya sa akin at baka hindi niya rin ako payagan pa na tumuloy sa pag-alis.

Hawak hawak ko ngayon ang address na tutuluyan kong apartment. Pagmamay-ari ito ng pinsan ni mama. Dito rin kasi siya nakapag-asawa at naisipan rin nilang dito na rin manirahan.

"Althea, ang akong gwapang pamangkin!"(Althea, ang aking magandang pamangkin)

Nasa may labas pa lang ng gate ay narinig ko na kaagad ang malakas na sigaw ni ate Mel, ang pinsan ni mama. Close din kasi kami noong nasa probinsya pa siya.

"Ate Mel! Namiss po kita. Dugay na po ta wala nagkita." masayang kong wika sabay lapit at yakap sa kanya

(Ate Mel! Namiss po kita. Matagal na po tayong hindi nagkita)

"Nako sa loob na tayo mag-usap. Ang dami mo pa namang dalang gamit." aniya sabay kuha sa isang bag na dala dala ko

"Ano ka ba naman ate, magaan lang kaya to" natatawa kong sagot sa kaniya

"Asus edi ikaw na malakas. Hahahaha" natatawa niya ring aniya

"Oo nga pala, pwedeng hindi ka nalang magbayad sa pagtuloy mo rito. Regalo ko nalang iyan sayo sa nalalapit mong kaarawan." dagdag niya pa

"Nako, wag na ate. Nakakahiya naman po sa iba na nagbabayad rin sa pagtuloy rito sa apartment niyo." nahihiya kong sagot

"Alam ko namang hindi ka papayag. Kilala kita. Kaya ganito nalang, kalahati nalang ang bayaran mo para hindi ka rin masyadong mahirapan." alok niya ulit

"Hindi ba nakakahiya ate?" nag-aalangan ko paring tanong

"Ano ka ba naman. Pamilya tayo. Sino ba naman ang magtutulungan? Di ba ang magpapamilaya? Kaya tanggapin mo na ang alok ko, sige magtatampo ako sayo." pangungumbinsi niya ulit

"Ahm. Sige ate" ang naisagot ko na lamang dahil ayoko ko rin namang tanggihan pa ulit ang alok niya dahil tama ang sinabi niya. Ang magpapamilya dapat ay nagtutulungan

"Sige. Hatid na kita sa apartment mo. May isang bakante lang kami at sakto rin naman ang laki para sa iisang tao na mag-ookupa." aniya sabay lakad papasok sa isang two storey na apartment, kaya sumunod na rin naman ako.

Hindi masyadong malaki ang apartment na ito at hindi rin naman masyadong maliit.

Hanggang sa huminto kami sa isang pintuan. Pagkabukas niyon ay bumungad kaagad sa amin ang isang maliit na sala na siguradong malaki na para sa akin. At may isang pintuan rin sa isang sulok na sigurado akong kwarto. At hindi nga ako nagkamali dahil kwarto nga iyon.

Pagkatapos akong ihatid ni ate Mel sa tutuluyan ko habang nag-aaral dito sa Maynila ay umalis na kaagad siya dahil may pupuntahan pa raw siya.

"Hay Nakakapagod." sabay higa ko sa kama at di kalaunan ay naramdaman kong unti unti ng bumubigat ang talukap ng aking mga mata.

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now