Chapter 8

8 0 0
                                    

Naging masaya naman ang pagsasama namin ni Nico. Minsan may surprises siyang ginagawa para sa akin at talaga namang nakakataba ng puso. Minsan rin sinusundo niya ako sa classroom naming pag tapos na ang klase ko basta ay unang matapos ang klase niya.

Masasabi ko talagang ang pagpayag ko na maging boyfriend ko siya ay isa sa mga hindi ko pinagsisisihang desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.

Napakasweet niyang tao. Napakasincere. Napakamaalaga. Higit sa lahat ay napakamapagmahal.

"Babe. Sunduin kita mamaya." malambing niyang aniya habang inaabot sa akin ang dala dala niya kaninang pink backpack ko

Ang cute nga niyang tignan.

"Sige. Hintayin nalang kita dito."

"Sige babe" sabay non ay ang paghalik niya sa pisngi ko

Hindi pa niya ako nahahalikan sa labi. Hindi rin naman ako nagtataka kung bakit. Natutuwa nga ako kasi pakiramdam ko kaya hindi niya pa ako hinhalikan sa lips kahit na boyfriend ko naman na siya ay sobrang laki ang respeto niya sa akin dahil doon.

Masaya ako nang papasok palang sa silid namin ngunit biglang napawi iyon nang makita ko si Jess na umiiyak sa katabing upoan ko.

Pulang-pula ang kanya mga mata at makikita mo talaga sa mukha niyang ang sakit na dinaramdam niya, nunit ang 'di ko maipaliwanag ay kung bakit ang sama niyang makatingin sa may entrance ng classroom namin.

"Jess. Bessy ayos kalang ba?" May pag-aalalang tanong ko

"Ano ka ba naman Thea. Kita mo na ngang umiiyak 'yong tao tinatanong mo pa kung okay lang." Ang kontra naman nitong napakapilosopo kung isipan

"Magfocus ka muna sa kaibigan mo Thea, huwag kung ano-ano nalang ang ginagawa. Makikipagtalo ka pa talaga sa isipan mo? Haler."

"Jess ano ba ang problema. Baka makatulong ako?" may halong pag-aalang aking usal

"Wala ito Thea. Huwag mo nalang akong alahanin. Mawawala din itong bigat na pasan ko. Papasaan ba't..."

"Ano iyon?" may halong pagkalitong tanong ko nang hindi na niya nagawang matapos ang dapat sanay sasabihin

"Ah. Wala wala." malumanay na ngayong aniya

"Okay. Basta sigurado ka na ayos ka lang talaga?" may paniniguradong tanong ko ulit

"Oo. Ayos na ako" sabay ngiti niya matapos punasan ang mga luhang kumawala kanina sa kaniyang mga mata.

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now