Chapter 5

7 2 0
                                    

Habang tumatagal ay nasasanay na rin ako sa buhay dito sa siyudad. Hindi nga lang maiiwasan ang pagkasabik ko sa probinsya dahil doon na rin ako napamahal at lumaki.

Nasanay na rin ako na ang mama ko ang gumigising sa akin tuwing late akong magising.

_________________

Ngayon ay nandito na ako sa loob ng bago kung paaralan sa kolehiyo, at masasabi kong sadyang napakalaki nito kung ikukumpara sa dati kung paaralan noon sa high school. Mayroon itong isang gusali lamang ngunit may apat na palapag at napakalawak na field.

Kahit na nawiwili pa rin ako sa kakatingin sa buong paligid, ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung ano talaga ang totoong sadya ko rito, at iyon ang pagtutuonan ko ng pansin.

Pagkatapos kung mahanap ang aking silid na napapabilangan, ay kaagad na rin naman akong nakahanap ng pwesto na uupoan, sa pinakagitna malapit sa bintana dahil mahilig rin akong magmu muni at pagmasdan minsan ang mga nagliliparang ibon sa himpapawid kasabay ng simoy ng hangin na dumuduyan sa dahon ng mga puno sa may sidewalk.

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutang sabihin, sa ikalawang palapag pala nandoroon ang aming silid kayat medyo bawas nerbyos na rin. Hehehehe

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin naman ang morning classes namin kaya diretso sa cafeteria na rin ako. Gutom na rin naman.

Mag-isa lang akong nakapwesto dito sa may gitna ng cafeteria namin at kumakain. Hindi naman ako masyadong mahiyain. May mga sariling mundo rin naman ang mga tao rito kaya walang masyadong nakakapansin sa akin, at hindi naman katulad ng mga napapanood ko sa mga palabas o nababasa ko sa mga libro ang ugali ng mga studyante rito. Siguro mature na talaga sila kung mag-isip dahil na sa kolehiyo na rin sila kaya kadalasan ay nagsisimula ng maging mature at responsable.

Habang kumamakain, nabigla ako at muntik pang mabilaukan nang may biglang umupo sa parehong lamesa na kinalalagyan ko, nakaupo siya upoan kaharap ng akin. Pagtingin ko ay nakita ang isang babaeng nakangiti sa akin. Medyo pamilyar nga ang mukaha niya. Saan ko nga ba ito nakita?

"Hi! Im Jess! Nice to meet you." Masigla at nakangiti niyang pakilala sabay abot ng kanyang kamay sa akin

"Althea" Matipid ko pakilala sabay ngiti na rin dahil ayokong magmukahang snob o masungit

"Magkaklase tayo. Nakaupo ako sa may gilid mo, iyong sa kaliwa"

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko nga na magkaklase kami. Siya pala iyong katabi ko, hindi ko manlang kaagad napansin.

"Ahm. Pasensya ka na ngayon ko lang naalala" nahihiyang usal ko

"Ano ka ba ayos lang 'yon. Ako nga dapat ang magsorry kasi napakafeeling close ko."

"Hindi naman. Ayos lang, thankful nga ako kasi ngayon lang may kumausap sa akin. Nahihiya rin kasi akong makihalubilo sa iba nating mga kaklase dahil sa baguhan rin ako." sabay ngiti ko sa kanya

"Pwede bang maging friend kita?" tanong niya na nagpabigla sa akin at nagpangiti

"Oo naman" masaya kong sagot sa kanya

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now