Chapter 1

19 1 6
                                    

"Althea"

"Althea"

"Anak bangon na dinha. Mabiyaan niya ka sa sakyanan."( bumangon ka na diyan. Baka maiwan ka ng sasakyan)

"Oy"

Bakit parang gumagalaw ang hinihigaan ko? Lumilindol ba?

Lumilindol nga!!!

Sa isipin pa lang na iyon nagpapanic na kaagad ako kaya't kahit medyo inaantok pa ay dali dali akong bumangon sa pagkakahiga.

"Lumilindol!!!" malakas kong sigaw habang nag Duck, Cover and Hold pa.

"Anong ginagawa mo diyan anak?"

Huh? Bakit naririnig ko ang boses ni mama?

"Ahahahaha. Ate parang kang tanga" kasunod ang pagtawa ng nakababata kong kapatid

Pag-angat ko ng ulo. Nakita kong nakatayo si mama sa may paanan ng aking kama habang nakapameywang at nakataas ang kilay sa akin na wari ay naweweirduhan sa kanyang nakita kanina. Habang ang kapatid ko naman na si Jace ay nasa may hamba ng pintuan sa aking kwarto at parang natatae dahil nakahawak ito sa may bandang tiyan at namumula.

Teka, eh hindi naman natatae ang batang ito eh.

"Pinagtatawanan mo ba ako Jace?" inis na baling ko sa kanya

"Pano ba naman ate, bigla bigla ka nalang sumisigaw diyan. Akala ko nga kong napaano ka na, may nabasa pa naman ako sa internet na may mga tao raw na kinukuha ng mga Aliens. Tapos hahahaha...."

"Ano ba, nakakainis ka na ha!" may halong galit at inis to the highest level na talagang sigaw ko sa kaniya.

"Eh kasi naabotan kitang naggaganyan habang sumisigaw ng lindol. At ate para ka talagang tanga." dugtong nito sabay takbo.

"Jace humanda ka talaga sa akin mamaya!!!" pahabol ko rito

"Anak itigil niyo na nga yang pagkukulitan niyong dalawa ng kapatid mo at baka mabiyaan ka ng sakyanan."( maiwan ka ng sasakyan)

"Po sasak- " naputol kaagad ang dapat ay sasabihin ko ng bigla kong maalala na ngayon na pala ang alis ko papuntang Manila para doon mag-aral.

Natanggap ka si ako sa isang scholarship sa barangay namin. At nabigyan ako ng pagkakataong mag-aral sa siyudad. Ngayon ay kailangan ko ng magmadali dahil malayo layo pa ang biyahe ko mula dito sa amin which is located sa parte ng Zamboanga pero hindi talaga literally na dito sa Zamboanga kami nakatira. Basta mahirap ipaliwanag.

Para sa mga nasaktanWhere stories live. Discover now