Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang paghihiwalay namin ni nico. Mahigit dalawang buwan na rin ang nakalipas mula noong naging malabo ang pakikitungo sa akin ng pinakamatalik na kaibigan kong si Jess. Hindi ko rin naman siya magawang komprontahin upang alamin kung anong dahilan ng biglaang pagbabago ng kanyang pakikitungo sa akin. Naging mailap na rin siya sa akin kaya at malabo talagang makapag-usap kami.
Malapit ng matapos noon ang first semester namin nang nabigla ako sa aking pagpasok. Lahat ng mga mata ng mga studyante ay nakatingin sa akin. May tinging mukhang nandidiri, galit at awa, lalong lalo na sa mga kaibigan ko na sina Leah.
Napagtanto ko kung bakit ganoon na lamang kung makatingin sila sa akin, sa napakalaking bulletin board ng aming paaralan na kitang kita kapag ikay papasok ng gate, nakapaskil ang aking larawan at larawan ni Daddy. Ngunit ang nakasulat doon at ang katabing larawan nito ang siyang nakapagpalambot ng aking mga tuhod, unti unting bumagsak ang butil ng aking mga luha.
"Ladies and Gentlemen, everyone. Ang anak ng kabit ng aking Daddy, Althea Reyes!" malakas na sigaw ng taong hindi ko lubos maisip na kaya akong saktan at ipahiya ng ganito.
"Oh bakit? Nabigla ka ba Althea? Nabigla ka bang malaman na ang nanay mo ay pumatol sa may asawa?!" galit at may halong pangungutyang sigaw niya
"Alam mo ba kung papaano sinira ng magaling mong ina ang pamilya namin? Ang buhay ko? Alam mo ba kung paano naghirap at nagtiis ng matagal na panahon ang mommy ko habang kayo masayang masaya kasama ang daddy ko!" pulang pula ang mukhang sigaw niya
YOU ARE READING
Para sa mga nasaktan
RandomWhat if everything gets messed up? What if the perfect love you have was nothing but a big LIE? What if you always end up broken and shattered everytime you try to open up your heart again for someone? Would you still love again, or would you locked...