Foreword

734 34 31
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, or incidents are fictional. Any resemblance to actual persons, living or dead, or events is coincidental.


© All Rights Reserved 2023.


Ang kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Muli, ang inyong mababasa ay walang katotohanan. Maraming Salamat!


×××


Simple lang ang buhay ko. Maagang naulila kaya mag-isa na lang sa buhay.



Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng tahimik at maayos na buhay. Iyong malayo sa gulo, at malayo sa tunay na nangyayari sa mundo.



Nagsimula ang lahat sa isang panaginip.


Isang gabi, nasaksihan ko ang lahat. Maingay, mga sirang sasakyan na nagkalat sa paligid, kaguluhan, at may dalawang taong duguan. Malabo ang paligid hanggang sa mapagtanto kong ang mga taong iyon ay ang mga magulang ko.



Umiiyak sila at humihingi ng tulong. Gustuhin ko man silang lapitan ngunit hindi ako makagalaw. Tila napako ako sa kinatatayuan habang umiiyak na pinanonood silang nahihirapan at naghihingalo. At kasabay ng isang malakas na pagsabog ay nagising akong pawis na pawis at sobrang bilis ng tibok ng puso.



Hanggang sa isampal sa aking ang katotohanan. Naaksidente ang mga magulang ko habang pauwi. Hindi ko alam ngunit sinisisi ko ang sarili sa nangyari sa kanila. Sana nailigtas ko sila pero wala akong nagawa.



Lumipas ang ilang taon, maraming nagbago. Ang pagbabagong hindi nanaiisin ng kahit na sino. Sino'ng mag-aakala na ang isang katulad ko ay mabibiyayaan ng ganoong kakayahan?



Ang kakayahang makakita ng hinaharap.


;

AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon