Chapter 53 : New Opponent

19 3 0
                                    

TUMATAKBO ako ngayon palayo sa kaniya. Hindi pa ito ang tamang oras para magpakita ako sa kaniya. Alam kong gustong-gusto na niya akong makilala pero hindi pa pwede. Pero malapit na, malapit na malapit na kaming magkakilala.



Marami akong kailangang sabihin sa kaniya. I know that I can give her answers. At kailangan ko na ring makilala ang taong matagal nang nawalay sa akin. I can feel that something is missing inside me. And thanks to my ability, I found out everything.



My real parents.



And my twin-brother.



Yes, I have a twin-brother. But my mother separate us dahil sa nakita niya. Kung hindi kami nagkahiwalay ng kambal ko, magpapatayan kami. That's why I owe my mother pero ang masakit, my father didn't know about it. Hindi niya alam na kambal ang anak niya.



I know that he's still alive. I already saw him. Actually binabantayan ko rin siya together with that woman and I can see na nagbabago na siya. He's trying to change for his son and to keep his promise to my mother.



Ang sakit lang kasi lumaki akong iba ang kinikilala kong magulang. But I missed Ina Salome and I thanked her so much for taking care of me.



Ngayon na alam ko na ang lahat. I want to help. Lalong-lalo na si Aya, she really needs my help. Everyone needs my help.



Ang tagal kong naghintay na makalaya mula sa kaniya and now that I am free, susulitin ko na ang pagkakataon. Hinding-hindi na ako magpapahuli at sisiguraduhin kong magwawagi si Aya sa laban na 'to. She deserves peace dahil siya ang pinaka-nahirapan sa lahat-lahat. Alam kong marami na siyang pinagdaanan and panahon na para matapos ang paghihirap niya.



"Hey, kamusta ang pagbisita mo sa kaniya?" bungad ni Yue sa akin nang makarating ako sa bahay.



"She's fine..." tipid na sagot ko saka siya nilagpasan at dumiretso sa sofa. Nakakapagod ang halos araw-araw na pagmamasid sa kalagayan ni Aya. Well, I need to do it for her safety.



"Kailan ka magpapakilala sa kaniya, sa kanila? Alam mong nalalapit na ang muli nilang paghaharap ng mga kalaban. Kailangan na niyang malaman ang lahat-lahat." here we go again, paulit-ulit na lang.



"Malapit na, Yue. Hindi lang ito ang tamang panahon para sa katotohanan." kalmadong sagot ko nalang saka pumikit at isinandal ang ulo ko sa pader.



Naiintindihan ko ang pag-aalala nila para kay Aya dahil siya ang dahilan kung bakit malaya na sila ngayon. Aya is really brave and fearless. Iniisip niya muna ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya.



No wonder kung bakit nagkaroon siya ng ginintuang puso. She deserves it.



"Guys, may nakita akong something na malapit sa bahay na kinaroroonan nila Aya." napadilat ako at agad na lumapit sa kinauupuan ni Yen na abala sa pagpindot sa computer. Sinubukan kasi naming i-track ang address ng bahay na tinutuluyan nila para aware kami kung may mangyayaring masama.



"I'll go there. Stay here." hindi ko na sila hinintay pa na sumagot at nagmadaling umalis.




×××




KANINA pa ako nakakaramdam ng kakaiba pero hindi ko naman maipaliwanag kung bakit. Nase-sense ko na may kung sino sa malapit at nagmamasid. Inisip ko na iyon 'yung lalaking may asul na mata pero hindi, ibang-iba ang pakiramdam.



"Stay here. There's someone outside." napatayo ako dahil sa sinabi ni Zin at agad akong sumunod sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba at may kung sino sa paligid, eh.



Paglabas ko ay parang normal lang, walang bahid ng kaguluhan. Pero umihip bigla ang hangin at ipinapahiwatig nito na may masamang umaaligid sa amin.



Sinundan ko si Zin at nakita kong nadismaya siya nang makita niya akong nakasunod sa kaniya. Wala siyang magagawa kung gusto kong sumama. Hindi ako mapapakali kapag hindi ko siya kasama at nakikita. Kailangan magkasama lang kami parati.



"Who are you?! Lumabas ka na sa pinagtataguan mo!" sigaw ni Zin at umalingawngaw iyon sa paligid. Nararamdaman ko naman ang mga matang nakamasid sa amin, sa akin.



Sinubukan kong i-sense kung nasaan siya pero hindi ko 'yon magawa. Parang may pumipigil sa'kin. Naghanda na lang ako sa panganib na maaaring mangyari sa amin.



Maya-maya pa ay sabay kaming napalingon ni Zin nang makarinig ng palakpak mula sa likuran. Nanggaling iyon sa kakahuyan. Nandito kasi kami ngayon sa likod ng bahay at puro puno ang nandito. Maliwanag ang paligid dahil sa nakatirik na araw kaya kitang-kita ang mga matatayog na puno.



"How brave, Mr. Fortido. But don't worry, wala kaming balak na masama." napakunot ang noo ko nang magsalita 'yung lalaking nasa gitna. May kasama siyang dalawang lalaki na nakasuot ng itim, katulad ng mga suot ng members ng Zinotes. Presentable naman ang suot nu'ng nagsalita at kapansin-pansin ang dark aura niya.



"Sino ka?! How did you know me?!" matapang na tanong ulit ni Zin. Sino ba sila? Hindi na ako magtataka kung part sila ng Zinotes Organization. Pero hindi ko sila mamukhaan, ngayon ko lang sila nakita. Lalong-lalo na ang lalaking nasa gitna. Kulay pula ang mga mata niya na parang isang bampira.



"It doesn't matter. We're here to check the keeper so you don't have to worry. Because soon, we will get her." bigla akong kinabahan sa sinabi ng lalaki. Ang lalim ng boses niya na kaya kang pasunurin sa kung ano man ang gusto niya.



"Leave her alone. Huwag kayong magkakamaling saktan o hawakan man lang siya or else, ako ang makakaharap niyo." matigas na sabi pa ni Zin sa kanila. Nakita ko namang bumuntong hininga 'yung lalaki sa gitna at bumaling sa'kin.



"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa kapatid kong si Qwerty, Ms. Valdez. And I'll make sure you're going to pay for it. I can't wait to have a fight with you. Para naman makita natin kung talagang ikaw ang pinaka-makapangyarihan sa kahit na sino." napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya. Kung gayon, kapatid siya ni Qwerty? At nandito siya para ipaghiganti ang kapatid niya.



"Stay back, ako na ang bahala rito." hinila ako ni Zin at siya ang pumaharap para protektahan ako.



"Relax, Mr. Fortido. Hindi pa ngayon ang nakatakdang araw ng pagtutuos natin. Until we meet again..." at sa isang iglap ay naglaho na sila sa paligid. Hinarap naman ako ni Zin at niyakap ng mahigpit.









Hindi na lang sina Zino at Cassandra ang kalaban namin.



















May bago na naman kaming makakalaban...

;




























AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon